Usapang Finals.
Oo, finals na. Bilis ng panahon, parang kahapon lang nung first day ko sa school tas kinakabahan ako kase baka sobrang hirap nang magiging buhay ko dito at wala na kong magagawa, pero eto sumurvive pa rin hanggang Finals. MATATAPOS NA FIRST SEM, CHLOIE! NAKASURVIVE KA! CONGRATS! Mehehe, ty. Ilang weeks na rin lang at sembreak naaaaa. SEMBREAK NA! ANG PINAKAHIHINTAY KO NA SEMBREAK!!! Nagstart ang first sem hanggang matapos, sembreak lang ang pinakaaabangan ko. MALAPIT NAAAAAAA!
Pero bago daw magsaya mga studyante, tatambakan daw muna kami ng gagawin. BDTRP. Okay lang ba tong mga instructors namin. Sunday ngayon, iniisip ko nga kung weekend pa ba to sa lagay na to kung nagkapatong-patong ang mga kailangan gawin at tapusin.
Activity 1 in IT. Presenting SLU, gamit ng Moviemaker. Hindi ko pa natatapos, actually dapat napasa ko na siya kahapon, kaya lang yung USB, nawala dun, kaya kailangan ko ulet ulitin sa simula. Buti nalang pinagbigyan kame ni Sir na pwedeng ipass next meeting, yay
Autobiography. Moviemaker din. Next meeting na din kailangan ipass kaya medyo, goodluck saken. Pagtiyatiyagaan ko to gawin.
Reaction Paper in HTM. Hindi ko to alaaaaam. May sinabe si Mam na format na kailangan namin sundan, gets ko naman yung dapat ilagay pero wala kase akong maalala sa pinanonood namin, tama ba yun. Di jk, naalala ko lang ang pangalan nung bida, Inglay. Pano yung nagddrums kase yung pinapanood hindi yung nagpeperform. Kala ko matatapos tong sem na to na walang reaction paper na papagawa, at eto may pahabol si Mam Ostino. First and last reaction paper for this sem, ugh
Report in Theo. Madali naman report ko, ata. Sabe ni Kuya Kevin e. Inexplain niya saken na pwede ko naman daw iexplain yung report ko by the title itself. Hindi ko pa masyado nababasa pero keri naman siguro yun, kasama ko naman si Arlene. Kala ko ulet matatapos tong sem na to na walang reporting na ipapagawa as in report talaga na individual, pero eto pahabol nanaman. Lahat ba talaga ng mga schoolwork na ayaw ng mga studyante sa Finals dapat ipagawa?
Group report in Theo. Kami pa naman unang-una pero hindi pa namin nasisimulan o napaguusapan as a group. Tinatanong ko naman si leader kung pano gagawin namin sa Theo, hindi naman daw niya alam. Haii. Buti kagroup ko si Macha, kahet papano may karamay.
Research in Math. Wala kaming Math last meeting e, kaya eto yung kapalit. Hindi pa daw chechekan ni Mam kung pare-pareho kami ng gawa. Eh malamang sa malamang, sa Google kame aasa. Kaya pinagiisipan ko kung san hahanapin yung pinapahanap ni Mam. Bahala na.
Lahat to, due this week. Kaya bawal muna magpapetiks-petiks ngayong weekend. Kung hindi ko to matatapos ngayong araw na to, na sana naman kahet papano may matapos ako kahet dalawa o tatlo man lang sa mga yan. Sana talaga. Wala naman akong ibang rason para hindi gawin yun bukod sa katamaran, na ayokong pairalin ngayon. Ramdam kong Finals na talaga. Minsan ang iniisip ko nalang, matapos lang to, sembreak na. HAHA. Bdtrp, nakaasa nanaman ako sa sembreak. Pero di nga, malapit na sembreak, Chloie. Wala kang gagawin sa sembreak, magbabakasyon ka lang at kakain at matutulog at gagala. Yun pag ganun naiisip ko, naiinspire ako e. HAHAHA di jk, kaya ko to.
Kailangang magsipag. Tiwala lang, Chloie.











