Reaksyon at Opinyon sa Impeachment ni CJ Corona
Sabi nila, historical daw tong nangyari sa impeachment ni CJ Corona. At kahit na halos di ko napanood ang mga sessions nila, natutukan ko naman ang mga last 3-4 days ng impeachment.
Ang mababasa niyo ay galing lang sa isang kinse-anyos na mag-aaral, kaya wala pa rin po akong masyadong alam sa mundo. Nais ko lang pong mag-labas ng saloobin ko tungkol sa isyu na to.
Una, karapat-dapat ba na matanggal si Corona sa kanyang posisyon? Balak ko maging abogado balang araw, kaya naman, pinipilit kong makinig sa mga statement ng prosecution at defense, kahit minsan wala kong maintindihan. At sa point of view ko, oo, tama ang desisyon nila na guilty.
Sa pagkakaintindi ko, sa pagkakaintindi ng isang ordinaryong mamamayan, medyo katakataka ang mga ginawang aksyon ni Corona. Lipat ng pera dito, doon, dito, doon. Pareho kami ng pagkakaintindi ni Sen. Lapid na walang pinagkaiba ang 100 baso ng tubig kung ililipat mo to sa isang drum.
Hindi ko alam kung isang mabuti o isang masamang tao si Corona. Pero wala akong makitang dahilan na gawin niya yun sa kanyang pera kung wala talaga siyang tinatago. Maaaring masyado ng huli ang kanyang aksyon na pabuksan ang kanyang mga accounts.
Sa mga senador naman, nung huling araw, pinakinggan ko isa-isa yung mga speeches nila. In general, nagustuhan ko yung mga nagsalita ng naglagay ng tagalog sa kanilang talumpati, para naman maintindihan ng lahat.
Una kong napansin ang kay Alan Cayetano. Bakit nga naman kailangan gawing komplikado ang mga simpleng bagay.
Syempre, sunod ko ng napansin ang kay Santiago. Matalino siya, that's a given. Pero ang hindi ko maintindihan, ay kung bakit lagi siyang galit. Bilang isang senador, na napapanood ng maraming Pilipino, sa tingin ko ay dapat lamang na magpakita siya ng mas mahinahon na ugali. Isa siyang nirerespeto na politiko, at kung siya ay maging masyadong emosyonal, sana naman ay pigilan niya ito bilang pag-galang sa lahat ng nakikinig sa kanya. Maaari naman na magsalita ng mahinahon, gaya na lang ni Sen. Arroyo.
Nagustuhan ko ang kay Sen. Lapid. Pakiramdam ko ay siya ang naging boses ng mga ordinaryong mamamayan. Tagalog ang kanyang speech, napaka-Pilipino. Madaling intindihina ang kanyang mga sinabi. Sana nga lang, hindi to idahilan ng iba na huwag ng mag-aral at sabihin na "Bakit si Lapid?", mas maganda pa rin ang may pinag-aralan. Kung binigyan ka ng oppurtidad na makapag-aral, huwag mo tong sayangin.
Special mention din si Sen. Trillanes. Ang astig talaga nung pagkakasabi niya na "My verdict is guilty.". Maikli lang ang kanyang sinabi, pero andun na lahat ang kailangan. Ang iba pa kasing mga senador, medyo irrelevant na ang pinag-sasabi.
Hanga rin ako kay Sen. Enrile. Sa tingin ko ay maganda ang ginawa niyang trabaho bilang presiding senator-judge. Kaso, hindi ko na masyadong natutukan yung speech niya kasi inantok na ako at napakahaba nun.
Magaling pareho ang prosecution at ang defense. Pareho silang matatalino.
Sana naman, maging simula na to ng pagbabago sa Pilipinas. Masyado ng maraming oras ang na-konsume ng mga senador sa impeachment. Kung pabubuksan nila ang kanilang mga account, sila na bahala dun. Sa sarili nila, dapat alam nila kung ano and dapat gawin. Mahiya naman sila sa mga bumoto sa kanila, wag nila yun sayangin. Sana dahil natapos na tong impeachment, mas magiging malinis na ang mga politiko at matakot na ang mga gumagawa ng hindi tama, at tumigil na dito.
Para naman kay Corona, mag-pagaling siya, at magsimula ng bago.
Para naman sa Pilipinas, magbago na tayo. Huwag lagi isisi sa mga politiko ang kasalanan, na sila ang laging corrupt, na kung tayo mismo ay nagnanakaw.
God Bless the Philippines.
(P.S. Ang ganda ni Atty. Karen Jimeno, yung spokeperson ng defense XD)