Mga 6pm nung June 17 nagkitakita kami para sabay sabay pumunta sa Thanksgiving party ni Pao.
Dahil kami pa lang ang nasa venue at dahil maganda ang lights (kahit pa di maganda ang lights) e di niyo kami mapipigilang di magselfie.
Parang di kami magkachat araw araw. Non-stop pa din talaga ang chikkahan naming tatlo lalo na pag nagkasamasama na. I realized na sobrang matampuhin nga ni Joy. May hindi kasi kami nabanggit sa kanya at na open namin. Bigla siyang nagtampo. Jusko di naman namin sadya Hahahaha Nakakatawa diba? Pero ganyan talaga yan. Ganyan talaga kami. Hahahaha
After ilang months finally! Iba talaga tong mga to. Iba ang impact sa buhay ko. Minsan naiisip ko kung papapiliin ako kung mas gugustuhin ko bang nag fifth year sa HAU o hindi? O dapat sa Pamp ako nag-aral at hindi sa Mlqu? Pero kahit sobrang ganda ng offer sa Pamp at sa Hau e mas pipiliin ko pa din yung kung ano ang nangyari two years ago. Tama man o mali ang naging desisyon e nakilala ko naman ang mga to. Siguro mas magsisisi ako kung di nangyari to sa buhay ko.
Paolo Joze’s Thanksgiving Parteeeey
Si Pao lang talaga ang nakakapagkumpleto sa lahat, sa barkada. Pag siya na ang nag set, halos andon kami. Parang mini reunion lagi. Mas madami pa kami diyan kaso umuwi na yung iba bago kami nakapagpapicture. Pero totoo yung si Pao lang nakakagawa ng mini reunion namin. Hahahaha May nabasa ako na mas madrama daw ang mga lalaki. Totoo yon lalo na pagtinamaan na sila. Hahahahaha Nakakatawa sila pag ganon. Minsan pa nga may umiiyak na e. Alam niyo na, about sa girl, sa lovelife nila ganon.
So natapos na ang party. Nagsiuwian na din ang lahat at tinuloy nila ang kani kanilang tulog. Pero ako? Dumeretso na akong church. May General Mass and Communion kasi kami ng 8am tapos meeting after. Akala ko kahit dalawang oras lang makakatulog ako after party. Kaso hindi e. Di ako makatulog. Masaya kasi yata ako? Joke. Di lang ako makatulog sobrang lamig sa kwarto ni Pao at wala kaming kumot ni Joy. Huhu So siyempre pa-strong ako kaya diretso church na.
12:30 PM MASS|Nakasched akong magserve
KUDOS TO MY FIRST WEDDING!!
After 12:30 mass, diretso ako sa serve ko ng kasal. First time ko to mga bes! Sobrang kinakabahan ako kasi di ko alam paano flow at ano gagawin at mga responses. Kinakabahan din ako baka magkamali ako e nakakahiya sa mga kinakasal. Sobrang sacred neto saka sobrang special neto sa buhay nila diba. Nakakahiya kung gagawa ako ng eksena huhu Pero pero pero I made it! Yuhoo! To God be the Glory! Sobrang tuwa ko promise. Achievement nanaman saka dagdag sa experience hehe. Kaso nafeel kong mag isa ako. Ako na nga commentator, ako den nagbasa ng first reading, responsorial psalm pati second reading! Grabe masyado akong sinampal ng realidad na mag isa ako. Huhu Hahaha
Pero di paako uuwi. Father’s day diba? So pinapauwi ako kina lola ko kasi may celebration kami.
Ayan, more than 24 hrs akong gising!!! Pero siyempre kinakaya ko. Pa strong nga diba? Hahahaha jke lang. Kahit pa wala akong tulog, masaya pa di naman ako. I am thankful for my two-day no sleep because of these.
Pero di pa ako nakatulog after ng celebration. Kasi si mama ko niyaya akong mag grocery!! Gusto kong tumanggi kaso di ko matiis. Nahihiya ako sa nanay ko saka baka malungkot siya pag di ko sinamahan. So nag grocery kami at ginagapang ko nalang ang sarili ko. Hahahahahaha
“Ayoko ng ice cream, pizza, o kitkat. Gusto ko tulog!!!” Pero nung araw lang na yon. Ngayon gusto ko na ulit ice cream, pizza, kitkat. Hehe
Kahit sobrang pagod ko at walang walang tulog, narecharge ako and I am very thankful. :)
At nakatulog na din ako sa wakas.