It's been a long time since I wrote a formal letter to you. I want to know how you've been for the past years? Ako? Well, ito, I'm doing good. Stress sa work pero grateful pa rin naman. Balita ko nagpprepare ka for the Board, good luck! I know sisiw na sa'yo yan. Samahan mo pa ng pagpapanata, alam kong maipapasa mo yan. I'm rooting for you. :) Kung nagtatataka ka kung bakit ka naka-receive ng letter from me, read the rest and you'll know. ;)
Paano ko ba 'to sisimulan? Hmm.. Siguro sisimulan ko sa pagpapapasalamat sa'yo. It took me years to appreciate all the things you did for me during and after our relationship. Although na-appreciate ko naman lahat ng ginawa mo during the relationship. Thank you for fulfilling your promise to me that no matter what, you will fight for us until the end. For reference, I attached here one of my entries on my old Tumblr blog. Maraming salamat dahil nandyan ka sa lahat ng mga pagkakamali kong nagawa. Maraming salamat dahil kahit masakit, tiniis mo para lang maiparamdam mong nandoon ka para sakin. I hope you know that I really did love you. Hindi ko na pagdadahilanan pa yung mga nagawa kong pagkakamali noon, siguro dahil bata pa ako at naliligaw ng landas. I'm really sorry. I'm sorry for causing you excruciating pain that I know you carried for some time. I'm sorry for not fighting for us. I'm sorry, if after all that you've done for me after my break up with Jones, I still did not choose you. Patawarin mo ako kung mas nagpadaig ako sa takot na baka ibalik mo lang sa akin ang mga nagawa kong pagkakamali. Patawarin mo ako kung hindi na ako sumugal pa.
Okay, pause muna sa drama. Did you read what I attached here? Nakakatuwa yung first paragraph, no? Grabe tayo mangarap noon. Na akala natin ganon lang kadali abutin lahat yun. But I'm glad we got to accomplish some of our dreams even though we are not a part of it. Imagine, we got to graduate ng sabay (Y2019) and although we are not together anymore, but see? We made it. Cheers to us! Here's to achieving all our dreams even though we are not together anymore. :) Maraming salamat dahil tinupad mo yung hiniling ko sayo na lumaban ka para sa atin. Hindi ko alam kung paano mo nakayanan yung pain na yun.
Sa totoo lang, hanggang ngayon laman ka pa rin ng mga panaginip ko. Nag-iwan ka ng marka sa puso ko na kahit sinong lalaki ang dumaan, nandoon at nandoon ka pa rin. Pero alam ko sa sarili kong hindi na kita mahal at pawang mga alaala na lang yung nandito sa puso ko. Namimiss ko lang siguro yung mga pinagsamahan natin noong mga bata pa tayo. Kung gaano tayo ka-toxic, yung tipong iiyakan ko pa kapag hindi ka nakakapunta sa amin dahil sa DOTA, o di kaya kapag hindi mo ako nasusundo sa trabaho. Nakakatawang isipin na sobrang babaw ko noon haha bata pa nga kasi talaga. Akala ko noon, I'm mature enough to handle our relationship.. hindi pala. As I was reading my Tumblr posts about us, it brought me back memories and feelings I took for granted. Yung mga simpleng paghatid mo sa akin pagkagaling ng kapilya, sabay hawak sa kamay ko, ganitong mga bagay na nakakabuo na agad ng araw ko. Yung mga dates natin sa mall na kung titingnan natin ngayon, paano natin nagawa yun knowing na estudyante pa lang tayo? haha ang simple lang ng buhay noon, 'no? Sana ang buhay ganoon lang kadali kung paano natin sila pinicture out noon.
Ano yung pinaka-favorite memory mo na kasama ako? For me it would be noong high school pa lang tayo and nagpapakiramdaman sa feelings ng isa't-isa. Oo, alam ko, ako unang nagkagusto sayo. Nakakabwisit lang talaga yung mga pang-aasar mo sa akin, sobrang napipikon ako noon alam mo ba haha tapos madalas ka manghiram ng books sa akin noon tapos pagkabalik mo sakin, may sulat na yung likod -_- One of my favorite days I had with you.. hmm.. sobrang random and simple lang nito eh, and I don't know if you'll even remember this. It was that day, hapon, maaliwalas yung kapaligiran, katabi kita sa sofa namin, gumagawa ng assignment sa Math, this was when we were in 1st yr college btw, tapos nakatingin lang ako sa ginagawa mo, that made me fell in love more. Yun nga lang ang hina sa mga English essays haha which is yung strongest point ko naman in all fairness. Pero what I missed the most is you giving me spiritual reminders, yun talaga the best. You always made sure na I do the right thing.
Despite all of the pain and struggles we had in our relationship, you once made me happy. And I also hope I made you feel that way, too. Cj, if ever you get to read this, happy 10th anniversary to our failed yet once happy relationship. Remember our promise that we'd get married after 10 years? Ang inosente ng pangarap haha but here we are! I am finally closing our book. I will stop thinking our what-if's, will finally stop punishing myself everyday for hurting you, finally stopping the guilt. I'm genuinely happy with what I have now. Sana ikaw rin matagpuan mo na yung para sa iyo. Hindi bale, ipagkakaloob ng Ama yun sa'yo. Nandito lang ako sa side, rooting for you. I know you'll go far in life. Palagi ka lang manalangin ha? Mahal kita and mag-iingat ka. And to close the book, I attached here a short video I did for our 3rd and last anniversary way back 2014. I got to published it on Instagram haha so there you go.