"Magmahal ka on hands and knees." Kagaya ng pagmamahal sa atin ni Lord, pinagsilbihan niya tayo at isinakripisyo ang sarili para maligtas tayong lahat. Ganon tayo kamahal ni Lord. Kahit madalas nakakalimutan na natin siya, nandiyan pa rin siya. Minamahal pa rin tayo. Kahit madalas hindi natin nasusunod ang mga utos niya, nandiyan pa din siya para magpatawad. Lahat ng yon ay dahil sa pagmamahal. "Magmahal ka ng walang kondisyon." Kagaya ng pagmamahal ni Lord, walang pangit, gwapo o maganda sa kanya. Lahat, pantay pantay sa paningin niya. Mabuti ka man o makasalanan, mahal ka niya. Masaya man ang iyong puso o punong puno ng pait, mahal ka pa rin niya. Ikaw? Paano ka ba magmahal?











