ESTRANGHERO✧
A Colet Vergara x gn!reader one shot
..This oneshot has angst/comfort!
Maestro music please!
─────────────────── .✦.──────────────────
A/n : This is my first time making a fic, please tell me how I did also.. I suck at tagalog so do tell me if I have any grammar mistakes.
─────────────────── .✦. ──────────────────
Nagmahal ka na ba ng isang estranghero?
Estranghero na alam mo ang pangalan, ang mga pangalan ng bawat tao sa kanyang pamilya, at nakilala mo na ang buong pagkatao niya. Alam mo ang ugali at mga gawi niya, kung paano siya magtampo, mag-alala, at kung paano ka niya mahalin.
Sa akin, oo.
Nakaupo siya ngayon sa aking harapan, umiinom ng kape habang may binabasang kung ano sa kanyang selpon. Nakaupo siya sa mesa na pareho naming ginawa sa loob ng bahay na pinagsikapan at pinag-ipunan namin—ngunit hindi ko na maalala ang kanyang pangalan, kundi bilang isang estranghera na lamang.
Ni hindi ko man lang alam kung kailan ito nangyari. Bigla na lamang nagkaroon ng distansiya sa amin, ang mga nakasanayan ay nagbago. Hindi naman ganito dati. Naaalala ko pa ang mga panahong na yakap niya ako sa mga gabing hindi ako makatulog at nagsasalita ng mga matatamis na salita sa akin.
“Y/N, ipinapangako ko sa’yo na mamahalin kita nang lubusan at hindi ako magsasawa sa’yo,” isa sa mga pangako niya sa akin.
Ngunit parang panaginip na lamang iyon. Nalilito ako kung saan ba ito patungo. Patuloy pa rin ba kaming magmamahalan, kahit ang pakikitungo namin sa isa’t isa ay parang mga estranghero? Na para bang wala kaming pinagsamahan, na unti-unting lumalayo at tinatalikuran ang aming nakaraan.
Parang nasa isang laro ako, naghuhulaan kasama siya. Hindi ko malaman kung ano ang gusto niya o gawin man. Hanggang dito na lang ba kami? Na hindi pinaguusapan ang aming sitwasyon dahil hindi ko alam ang sasabihin sa isa't-isa, o natatakot lamang na bumitaw sa relasyon na ito.
—
“Dinaig pa tayo ng roommates,” sigaw ko sa kanya, dahil kung anong oras na naman siya nakauwi na walang paalam, at panay dahilan na lamang ang ibinibigay niya sa akin. “Hindi na kita maintindihan-!”
“Ako rin!”
Sagot ni Colet, na parang lahat ng kanyang kinikimkim ay sabay-sabay na sumabog. “Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Araw-araw iniisip ko kung dapat na ba nating itigil ito. Ngunit hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa’yo! kung hindi ang manatili rito”
Napatigil ako sa aking kinatatayuan. Ako rin pala ang lumalayo sa mga ipinangako namin sa isa’t isa. Hindi biglaan, hindi ko lamang nabigyang-pansin na pareho pala kaming unti-unting bumibitaw.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Walang salita, walang paliwanag na parang anumang sasabihin ko ay mali. Tumigil ako sa harap niya at hinawakan ko ang kanyang mga kamay, bago pa siya makapagsalita niyakap ko siya.
Hindi mahigpit, isang yakap na humihingi ng patawad, isang yakap na nagsasabing nandito pa ako. Ngunit sa katahimikan, malinaw ang lahat ng hindi namin kayang sabihin.
Walang katiyakan, ngunit hindi ako hihinto sa muling pagkatuto kung sino ka sa buhay ko.
Colet, ang minamahal kong estranghera.
────────────────.✦.──────────────
Will I ever post a translated version? If this fic does well but I ain't hoping so yeah..
....Xandry out! ⋆.˚









