Before I take the examination of my life...
I guess this would be my last blog post here in Tumblraccountants bago ako sumabak sa board exams this coming October. Actually, aside from posting answers to queries ng iba nating members, hindi na ako masyadong nakapagpost ng other accounting stuff dito simula noong fifth year. Siguro dahil nagiging busy na ako, at tatlo ang dahilan: una, sa pag-asang makapasa sa Accounting Integration subjects namin; pangalawa, ang maka-graduate na sa school namin as a BSA student; at pangatlo at ang pinakaimportante: para maging CPA na.
Nagawa ko na yun unang dalawang dahilan, natagalan nga lang sa una dahil nagka-bagsak-bagsak ako dati sa Accounting Integration namin at kailangan ko pa siyang ulitin the following semester; at sa pangalawa nadelay ang pag-graduate ko dahil nga dun. Technically, graduate na ako nito lang May 2014 (na dapat April 2014 kung hindi dahil sa back subjects ko) dahil may diploma at TOR na ako na pang board exam, pero hindi pa po ako nakakapagmartsa (December pa po kasi eh.)
At ito na ngayon: work in process na yun pangatlong dahilan: ang maging CPA. Pero kumpara sa dalawa, ito na ang pinakamahirap. Siguro dahil napapagod na ako kakaaral, dahil simula fifth year, dumaan ng summer, at diretso sa review center na, iyon na ang ginagawa ko. Wala pa akong mahabang pahinga at bakasyon. Pero dahil kailangan, tiniis ko ang pagod, mabalikan lang ang mga bagay na kailangang tandaan bago ako sumabak sa October.
Siguro yun iba, medyo napapagod na rin sa pagrereview. Pero hindi talaga iyon dahilan para tumigil. Sabi nga, maghirap ka na ngayon kaysa maghirap ka pa kinabukasan, dahil pag ngayon ka naghirap, darating ang bukas, dadali rin ang lahat.
Sa mga magtatake ng board exam katulad ko sa October, sapat na siguro kung ano man ang hirap natin para sa exam na ito. At sa araw na bubuklatin na natin ang unang exam natin, sana maisip natin na sa dami ng napagdaanan natin, maaaring ito na ang umpisa ng pangmatagalang ginhawa para sa atin.
At tandaan natin, PUMASA man tayo o BUMAGSAK, hindi pa natatapos ang buhay natin sa exam na ito. Tao pa rin tayong humihinga, CPA man tayo o hindi.
I just hope that on my next post here, I would have already got my three letters:
C.P.A.
- Pol Moises Gregory Clamor








