Para malaman niyo yung buong kwento, siyempre dapat bigyan ko kayo ng history diba? Kasi nga diba, know your past to know the present andthe future. Oh diba! Saan galing yun? Wala, gawa gawa ko lang. Haha So 3rd day of class yun. Nung 3rd year highschool ako. First time kong ma-layo sa parents ko. Pina alis muna kasi ako sa bahay dahil sa pagiging tamad na anak kaya marami pa akong di alam na ginagawa sa labas ng bahay. Tamad nga kasi ako, di ko hilig ang maglakwatsa at mas lalong ayaw kong mawalay sa kanila mama. Kaya, ignorante ang peg ko. Isa na dun sa di ko alam gawin ang pagsakay ng jeep o di kaya ang pagcommute. Kasi naman dati hinahatid lang ako ni mama sa sakayan o di kaya may maghahatid lang sakin noon eh. Tsaka ibang lugar na to kaya di ko alam kung saan ako pupunta o bababa. Kaya yun, 3rd day of school, first time kong sumakay ng jeep na ako lang mag isa pero naorient naman na din ako nung 2nd day of school eh kaya sa tingin ko keri ko na. Nakasakay na ako nun. Pachill chill lang para kunware pro na ako sa pagcocommute. Tapos bigla siyang pumasok kasama niya yung barkada niyang lalake na classmate namin. Oo magkakalase kami pero wala pa akong paki alam sa kaniya ng mga panahon na yun. Tsaka man hater kasi talaga ako eh. ayaw na ayaw ko sa mga lalake to the highest level NOON pero ngayon slight nalang hehe. Hindi ko siya pinansin na parang hindi ko lang siya kilala nun. Umandar na yung jeep at parang ignorante talaga ako nun dahil panay ang tingin ko sa paligid. Kasi naman diba baka lumampas ako. Mahirap na. Sa di inaasahang pagkakataon, bes napalingon ako sa banda nila! Pero shet akala ko dadaan lang yung mata ko sa kanila pero wala eh nastuck ako sa mga mata niya. Anlaki. Parang anime. Ang cute niya pala. That time pinagalitan ko ang sarili. Kasi namin, man hater ako tas pupuriin ko yung lalakin yun? Tapos naramdaman niya ata na nakatingin ako sa kaniya, humarap siya sa akin tas nanginig naman ako. Nakakahiya kaya, parang tinititigan na namin ang isa't isa. Nagulat ako ng bigla siyang ngumiti at inangat ang kilay na parang sinasabing "Hey! Classmate kita! Kilala kita!" Yung ganun? Pero minaintaine ko lang yung emotionless kong mukha at tinaas ko rin ang aking mga kilay tas iniwas ko na ang aking tingin. Ang uneasy ng feeling ko nun. Para akong kinakabahan kahit alam kong di yun halata sa mukha ko. Naunang bumaba yung kasama niya tas napatingin ulit ako sa kaniya. Akalain mong nagkatitigan ulit kami tas ngumiti na naman siya! Ilang minuto lang ay bumaba na siya. Di ko siya tiningnan nun pero laking gulat ko nung bigla niyang tinap ang tuhod tas sinabing "Una na ako." That time hiyang hiya talaga ako. Wala akong masabi nun kaya tumango nalang ako tas umalis na siya. Tinakpan ko yung mukha ko gamit ang buhok ko tas tumili. Oo tumili talaga ako! And that was one of the most embarrassing moment of my life. Eh kasi naman, may halos sampung tao sa jeep kasali na ang driver tas titili lang ako na parang abnormal na babae na kinikilig. Yes! Kinilig ako nung time na yun! Argh ewan!! Para akong tanga!! Pero kasi, first time na may gumanon sakin eh. Lahat kasi ng mga lalakeng kilala ko, yung iba takot sakin tas yung iba ayaw sakin kaya wala pang nakakagawa sakin nun. That time kahit napahiya ako eh masayang masaya akong umuwi sa boarding house. And that time, I know I changed. Nabawasan ng malaki yung pagiging man hater ko. Tas days passed, nalaman ng mga kaklase ko na crush ko siya. Kasi naman, para raw akong timang na nakatingin palagi sa kaniya tas ngingiti ngiti pa. Kaya ayun, kumalat. Narating sa kaniya pero dinedeny ko naman kaya feeling ko di siya naniwala. Magaling ako gumawa ng story eh. Hehe. Kaya madali para sakin ang lumusot dun. Hanggang sa nagchat kami ng mga kaklase ko sa gc. Hugot sila ng hugot kaya ayun, sumali ako. Tas bigla nalang nagchat yung barkada niya ng "Bitter ka lang kasi di ka gusto ng barkada ko." Siyempre nasaktan ako! Alam ko din naman kasi na hindi niya ako gusto. Ramdam ko yun kaya bakit kelangan pang ichat yung ng barkada niya sa GC namin. Alam ko din naman kasi na di pwede kasi may jowa na siya eh. Sadiyang mabait lang pala talaga siya. Pero anong magagawa ko? Crush ko na siya eh. Crush lang din naman. That time, parang may ibang nagcontroll sakin at di ako nagdalawang isip na itext siya. May number niya ako eh kasi hiningi ko sa classmate ko tas first time pa yan na tinext ko siya. Sinabi ko na, ba't ganun? Alam ko namang di niya ako gusto kaya bakit kailangan pang sabihin sa barkada tas ipagkalat? Para malaman ng lahat na nireject mo ko? Tas yun di siya nagreply. Oo that time, I confessed and I was rejected. Ako yung klase ng tao na di marunong umiyak pero ewan, nung panahong yun may konting luha na lumabas eh. Then I decided to end my feelings for him. Pahiyang pahiya na ako sa klase dahil lang dun kaya mas mabuting tigilan nalang. Di ko na siya nilalapitan nun at wala din siyang pake dun. Hanggang sa isang araw nagdala ako ng gitara sa school. Malay ko bang marunong siya nun tas hiniram niya pa. That time parang walang nangyareng pagcoconfess. Nag usap kami tungkol sa mga chords at mga kanta tas parang lahat ng naririnig ko sa kaniya eh, kalimutan mo nalang yung nangyare. Classmates parin tayo, kailangan parin natin magbati. Di ko alam pero imbes na dapat ang meaning nun eh, kalimutan ko na yung feelings ko eh mas naganahan pa akong ipagpatuloy yung feelings ko sa kaniya. And this time ang alam ko nalang eh crush ko siya at waka akong dahilan para dun. Basta crush ko lang siya. Nagsunod sunod ang mga grouo activities na magkagrupo kami kaya medyo maging magkaibigan na kami. Pero this time, ang alam niya lang ay hindi ko na siya crush. Naging close kami at naging magbarkada dahil narin sa mga kaibigan namin na naging barkada na namin. At ngayon grade 10 na kami. Dito ko sisimulan ang totoong adventures ko sa pagkakacrush sa kaniya. Oh binasa mo ba lahat? Diba Brief lang siya. Haha