Happy Monday!
SUUUUUUUUUUUPER HAPPY NG MONDAY KO.
Pero sabi nila pag daw masaya ka, may masamang mangyayari after.
Di ko alam kung anong masama yun pero susulitin ko muna to KASE NAKATABI KO SA FX CRUSH KO.
O
M
G
NAKAKALOKA TALAGA.
9 ang pasok ko ngayon, nalate pa ko kasi sobrang traffic sa skyway! Kaloka dalawang oras nangalay pwet ko dun. Tapos yung klase ko nun, double period kaya naman 3 hours, 9-12, tas vacant ko 6 hours. HAHAHHAHA. Ayun nga! Yung crush ko kasi ang tambayan nila ng friends nila sa canteen! Eh kanina, plano kong pumunta sa library which is nasa kabilang side ng canteen at nandun naman ako sa kabilang side (north) nasa may west and canteen. so kailangan dumaan muna ng canteen bago makarating sa west, wherein nandun yung library, tapos!! NANDUN SIYAAAAAAAAAAA <3 <3
So ako naman kunwari dedma derederetso lang ng lakad, edi ayon, nakarating na ko sa library, pinuntahan ko yung friend ko, tas nagyaya siya kumain SA CANTEEN!! tapos ako sa isip isip ko SANA ANDUN PA SIYA.
So ayun, bumaba kami AT ANDUN PA SIYAAAAAAAAAAAAAA SILA WAAAAAAAAH super kilig duper tas yung naupuan namin medyo malapit sa kanila. Ang cute niya sobra kainis.
Edi ayooon masaya na ko sobrang thankful na ko kay Lord, usually kasi pag ganun okay na sakin for one week supply ko na yung ngiti niya HHHAHHAA ANG CUTE KASE.
Tas ayuun natapos din ang 6 hours vacant ko, nagpalamig lang kami ng friend ko sa isang tambayan ganon, tas ayon, lesson ko na,
solve solve ng problems ganon tapos
UMULAN GUYS UMULAN SA GITNA NG INIT UMULAN GRABEEEEEE
Pluviophile din kasi ako kaya masaya ako kapag umuulan <3
Edi ayuuun naglakad na ko papunta sa sakayan, pagdating ko YES wala masyadong tao,Tinanong ako ni kuya conductor kung sasakay na ba daw ako sabi ko naman opo.
Edi ayun naaaa!
Nung pagbukas ng likod ng pinto ng fx, yung driver pa nakaharang sa daanan ko kaya hinintay ko muna matapos siya nakatayo lang ako don DI KO TALAGA ALAM NA NANDUN SI CRUSH
Tapos pag pasok ko OMYGAAAAAAAAAAAAAAARSH
OMYGASHH.AS IN KALA KO SASABOG NA KO, NAGTULUGTULUGAN NALANG AKO TAS NARARAMDAMAN KO ARMS NIYA :(( Nababaliw na ata ako hahahaha. kaya ayun super thank you talaga kay Lord hehehe.
Ang saya ko paguwi hehehe. Napagawa din tuloy ako netong blog. HAHAHAA
Yun lang AHHAHAHHA
Mwa mwa peace n love forlyf













