hi! I’ll blog again ... hoping that it will help me to forget the pain.....
Love story ko akala ko sya na..... :( </3
Third year high school kami noong naging super duper crush ko siya pero nakita ko na siya noong 2nd year high school kami. Transferree siya itinuro sya sakin ng ex nya na classmate ko that time,itinuro nya sakin kasi daw makikipagbalikan sya. Noong nakita ko siya “ok” nothing special pero tinanong ko siya sa cousin ko kasi nabalitaan ko na kung san siyang school galing. Luckily naging classmate sya ng cousin ko kaya naman kahit papano may nalaman ako sakanya. Then yun nagstart nako maging crush sya. Pinagsasama ko pa nga name ko at name nya . Tapos pagnakikita ko bday nya at bday ko magkasama, nilalagyan ko ng meaning haha (high school thing right). So going back to third year high naging classmate ko sya. Kaya araw araw ko siyang nakikita kahit papano naging close pa nga kame e. Pero dahil hindi naman ako maganda hindi na ko umasa na magkakagusto sya sakin tapos nakikipagbalikan pa sya sa ex nya during that time wala naman akong laban sa first love. Pinagpatuloy ko lang yung nararamdaman ko sakanya kontento nako na crush ko sya at hanggang doon lang kame. December 11,2010 birthday ko ininvite ko sya kasama yung 2 friend nya and yung elem classmate ko super special ng bday ko na yun... SUPER SAYA before pa sya umuwi nagpaalam sya kay mama ko sabi nya “byebye mommy” oha? nagulat ako ... kiligs pero hindi nag assume.. tapos yung bday greeting nga nya sakin nun hindi ko dinelete hanggang mag fourth year high kaso nasira Cp ko :( and 3 days after my birthday, sila na ulit nung first love nya :( sad . At eto pa dahil sa super duper crush ko nga sya, pinaglelecture ko sya sa T.L.E subject namin . Grabehh ko noh?? umabot ako sa puntong yun at dahil dun kumalat sa buong section namin crush ko sya kaya yun nung nag Christmas party pinagpartner kami sa isang game (Pinoy Henyo) hindi ko nahulaan kasi ba naman kaharap ko sya crushyy ko super nahiya ko :) tameme mode!! Di pa natapos dyan ang paglelecture ko for him, kasi til 4th year ginawa ko yun for him pero mga 1st quarter lang kasi after that di na kami nagkasundo lagi nya kasi ako binubwiset. At meron akong isang pinakamalaking kalokohan na ginawa sa buhay ko kaya yun muntik ako makick out at yun ang lagi namen pinag aawayan kasi sabi nya isusumbong nya ko sa teacher namin. At dun na nagsimula lumayo ang loob ko sakanya.... At sa loob ng dalawang taon na pagkakaroon ko ng crush ko sakanya, lagi ko wish na kada may event sa school namin e sana makasayaw ko sya kahit once lang sana kaso hindi nangyari :(
to be continued....













