Pasensya
Pasensya na sa sarili ko kung di ko na naalagaang mabuti, mali ako dahil mas inuuna pa kita kaysa sa sarili ko.
Pasensya na kung minahal kita ng lubos higit pa sa sarili ko.
Duon ako nagkamali..
Masyado akong naniwala sa iyo
Nagpadala sa iyo
Akala ko totoo na
Akala ko ikaw na
Akala ko, kapag binigay ko na lahat ng makakaya ko magiging okay na ang lahat..
Akala ko ako na.. Kaso, nagawa mo pang maghanap ng iba
Buti pa siya..
Pasensya na kung hanggang ngayun minamahal parin kita sa kabila ng lahat ng sakit na naidinulot mo saken.
Pasensya na kung ganto ang nangyare, mamahalin ko na muna ang sarili ko bago ang lahat.
Pasensiya kana kailangan ko nang umalis.. uunahin ko na amg sarili ko.
Salamat sa lahat ng alaala.
Akala ko kase.. magbabago kana. Akala ko kase mahal mo na talaga ako at kaya mo na.
Pero nagkamali ako.
Pasensya na at natagalan bago ko mapagtanto na isa na akong "Tanga" na patuloy na umaasa sa iyo, sa.. " tayo ".
Sobra na tama na. Paalam na. Mahal ko.
-Ang bestfriend mo. :) C













