Intense
Sa huling semester ko sa college, ang dami kong napagtanto. Ang dami kong hinanakit… frustrations… regrets…
Madami din namang magagandang bagay ang nangyari. Pero mas hindi ko ata makakalimutan ang masalimuot na semester na ito. Kung saan maraming bagay ang nasira, nagbago at nawala.
Nasira ang “#squadgoals” Nagbago ang takbo ng buhay naming lahat Nawalan kami ng “Kaibigan” Napatunayan ko ulit na wala talagang… FOREVER.
Oo, masakit. Kasi itinuring ko siyang tunay na kaibigan. Alam kong marami kaming bagay na hindi mapagkasunduan, maraming beses na nag clash ang ideas namin, maraming beses na din akong nasaktan dahil sa kanya. Pero anong ginawa ko? Pinagsawalang bahala ko lahat kasi nga “kaibigan” ko siya… Hindi ko alam, wala akong kamalay-malay na ayaw niya pala sakin. Ni ayaw niya ngang mag-stay ng matagal sa isang lugar na kasama ako. Pero ako, ginawa ko lahat. Lahat ng adjustments, lahat nang klase ng pakikisama ginawa ko pero eto pa pala ang kapalit non.
Pinili niyang umalis. Pinili niyang lumayo. Pinili niyang iwan kami at sumama sa mga taong hindi niya naman talaga gusto. Alam namin. Alam namin ang mga bagay na sinasabi niya tungkol sa kanila, kaya nagulat na lang kami, isang araw kasama niya na sila at masaya siya.
Wala kaming ginawa. Hinayaan namin siya sa gusto niya, kung san siya masaya. Nakakalungkot lang na sa pananahimik namin nalaman namin na ginagago niya na kami sa ibang tao. Na kami ang masama. Kami ang may kasalanan. Kami ang mali. PUTANGINA LANG. Sagad! Isa siyang malaking joke sa buhay ko. Nagpakatotoo ako pero siya ba? Kelan ba siya naging totoo? Kelan ba siya hindi nagpanggap? Kelan niya ba pinaramdam na tunay siyang kaibigan? Masakit.

















