Eto na naman yung nagcacrave ako ng pagkain pero di ko alam kung anong bibilhin ko. Ang laki ng pinoproblema ko no? Iniiwasan ko kasing kumain ng matatamis. Sabi ko sa sarili ko na di ko kailanman kokontrahin yung mga bagay na gusto kong gawin o kainin but I need to look after with what food I'm going to take. Sobrang nacoconscious na kasi ako sa katawan ko. Lagi akong sinasabihan na ang taba ko na raw, which is para sa'kin, sakto lang naman yung pangangatawan ko; hindi payat, hindi rin mataba. Pangalawang beses na talaga akong na-offend sa opinyon ng mga tao sa pangangatawan ko. Masyadong echos. Di ko naman hinihingi opinyon nila. Eh sa masarap magluto yung nanay ko! Di kami pinapabayaang magutom! Swerte ko lang na may ganun akong nanay no.
Srsly, namiss kong kumain ng kanin. Kumakain naman ako ng kanin lalo na pag kasama ko si nanay kumain. Ayaw kasi niyang tinitipid ko yung sarili ko sa pagkain. Pag di ko siya kasabay sa pagkain, di na ko nagdidinner. Tapos sa umaga, oats lang. Pag lunch, oats ulit. Hahaha! Pero pag nasa bahay si nanay tuwing dinner, kumakain ako. Moderate nga lang. Charing.
I was really tempted na kumain ng lunch sa Jollibee kaso nagpabili yung ka-officemate ko ng pizza (jusko, may pizza rin pala na di masarap! Ugh!) kaya yun na lang ang kinain ko. Tipid-tipid rin sa pera. Haha!
Gusto ko ng chicken fillet but nooooo! Refrain thy self from eating processed food. *Rule number1!*