January 27, 2010, Birthday ni Willie Revillame. :))
Kahapon, naligaw ako sa Mandaluyong. Usapan kasi naming mga Volleyball players 2:45 Magkikita na kami sa Puregold Kalentong. Peroooo dahil may lagnat ako nakatulog ako at nagising ako ng 3:30. Andaming missed calls. So, hindi parin ako nag panic. TIBAY KO :)) Antamlay ko naman kasi diba. Tapos tinext ko si Jaki tinanung ko kung nasan na sila. Sabe nila na sa Puregold na daw sila at ako nalang daw ang hinihintay! VIP ANG LOLA MO :))
Sabi nila sa MANDALUYONG CITY HALL DAW KAME MAGLALARO. Soooo yun nga tinanung ko kung ano sasakyan ko at kung saan ako bababa. Ang sabi nila sakin bumaba daw ako sa Petron at Sumakay ng MRT BONI. Edi go lang. Nung nakasakay na ko ng Boni... Tinext ko sila.. "San ako bababa?" POTA! KAHIT ISANG REPLY WALA AKONG NATANGGAP. Di ko alam kung san ako pupunta. Kinakabahan ako kung san ako bababa :)) Ayun... Sinabayan ko nalang yung Ale bumaba. Kahit di ko alam kung nasan na ko. Pero feeling ko talaga. CITY HALL na yun ng Manda. Kasi may malaking tiger, eh? HAHAHAHAH :)) Umupo muna ako dun sa parang park ata yun? Hinihintay ko text nila. Napaisep ako, siguro naglalaro na yung mga yon. Tang-inis. Nakalimutan nila ako? Sakit, men. Call ako ng call pero wala talaga.
TANGINA. WALA NA. NALILIGAW NA KO!!!!!!!!!!!
Naalala ko si Dan(Schoolmate ko na Crush ko dati) TIGA MANDALUYONG PALA YON! Tinext ko siya tinanung ko kung alam nya papuntang Mandaluyong City Hall. Tumawag sya sakin. Ayoko sagutin. Inaaaaa! Nahihiya ako! :)) WAHAHA. Tapos nagtext sya sakin na... "Sagutin mo tawag ko" So sinagot ko. Tinanung nya kung nasan daw ako. Sabe ko... "Andito ako saaaa.... (SHET DI KO ALAM 'TO.) Basta alam mo yung may fire station keme? HAHAHA." Hindi nya daw alam yun kaya... sinabe ko nalang na magkita nalang kame sa may Petron.
Hindi ko ini-expect na magagawa nyang maging tour guide ko. :))
Ayun pumunta kame ng City hall. Yung binabaan ko kanina, dun pala yon! T_T nakng. Iba lang pinasukan ko. So pumunta na kami ng Court. Wala sila don. AS IN. Nababadtrip na ko. At dahil nahihiya ako... Siya mismo nagtatanong kung ano yung mga sched ng mga maglalaro dun.. Pero walang talaga.
Ayun. Nagbabalak nalang ako umuwi na. Pasakay na talaga ako ng jeep. Ng biglang tumawag si Jaki. Tinanong ko kung nasan sila... Lumipat daw sila ng ibang court. ANAK NG TUPA! Ayoko na talaga pumunta dun eh. Kaya lang kinuha ni Dan yung Phone tas tinanung kung saang court sila... Kahit malaman ko pa kung sang court yon. UUWI NA TALAGA AKO! Pero sabi ni Dan... Alam nya daw yun. Nagsimula syang maglakad. Sabe ko, uwi na ko :| Pero sabi nya alam ko yun. Malapit lang yun. NO CHOICE. Sama ako sakanya..
Nakarating na rin kame sa wakas. Pero, pagdating namin ni Dan dun.. NAGBIBIHIS NA SILA. XD Pota. Sakit ng legs ko dun ah. Layo ng nilakbay namin.
Thank you talaga kay Dan. Kung di dahil sakanya. Nako. Nawala na siguro ako.
Oh, ayan. ATLEAST DI TALKSHIT! Dumating padin :)) LOL.
angkapalngmukhamagshare.com :))