...did you thank GOD when you wake up this morning? or ...just complain about it being MONDAY. #dapathappylang #thankgod #tyjc #nmrk (at Danseco Unit) https://www.instagram.com/p/CiG54gfpK2t/?igshid=NGJjMDIxMWI=
seen from United States
seen from Hong Kong SAR China

seen from Canada

seen from United Kingdom
seen from Sweden

seen from Brazil

seen from New Zealand
seen from Philippines
seen from United States
seen from China

seen from New Zealand
seen from China

seen from Malaysia
seen from United States

seen from United Kingdom

seen from United States
seen from Türkiye

seen from United States
seen from Italy

seen from United States
...did you thank GOD when you wake up this morning? or ...just complain about it being MONDAY. #dapathappylang #thankgod #tyjc #nmrk (at Danseco Unit) https://www.instagram.com/p/CiG54gfpK2t/?igshid=NGJjMDIxMWI=
God’s Plan
Lagi ko itong iniisip. Maganda ang plano ng Diyos sa akin. Maganda ang plano Niya sa ating lahat. Kailangan lang natin ay ang magtiwala at kumilos.
Pero bakit may mga pagsubok pa rin? Bakit may mga sakit pa rin tayong nararanasan sa buhay? Bakit bumagsak tayo sa exam? Bakit hindi tayo naaappreciate ng mga taong nakapalibot sa atin? Bakit wala ka pa rin lovelife hanggang ngayon o heartache na nagaganap? Bakit hindi natin nakukuha ang mga gusto natin?
Madalas na tanong ko rin yan noon. Dumating pa nga sa puntong parang wala namang nangyayari sa buhay ko. Na kahit ilang beses akong magdasal, wala pa rin. Nawawalan na ako ng pag-asa. Doon tayo bumibitiw. Doon tayo nawawalan ng gana. Doon tayo susuko na.
Pero nagdasal ako na parang hindi ko na kayang humawak sa Kanya kaya sana, Siya na ang humawak sa akin nang mahigpit. Kasi alam kong never Niya akong bibitiwan. Sa kapit Niya at sa hawak ko sa kamay Niya, doon ko na-realize na hindi Niya naman ako pinapabayaan. AKO ANG UMAALIS SA KANYA. AKO ANG UMIIWAS.
Ganun naman eh. Parang paggawa ng bahay. Sa umpisa puro kalat, puro mabibigat na bato. Nakakapagod sa umpisa. Pero kapag hindi ka sumuko at nagtiwala ka sa Blueprint na gawa ni God, makikita mo ang magandang bahay at magandnag buhay na regalo Niya sa’yo.
In short, huwag kang susuko. Huwag kang titigil. Huwag kang bibitiw sa Kanya. Yakapin mo Siya. Isumbong mo ang mga nasa puso mo. Kausapin mo Siya. At lagi mong isipin na MAHAL NA MAHAL KA NIYA. :)
Mahal Niya tayo.
#selfControl
Nitong mga nakaraang araw, napakarami kong natutunan in terms of pag-uugali. Natutunan kong i-control ang aking emosyon sa mga bagay-bagay. Yes, tao lang din ako katulad ninyo. Maraming hindi magagandang nangyayari sa buhay. Maraming bakit kasi ganon, bakit kasi ganyan. Minsan, alam mong tama ka kaya pinaglalaban mo ang sarili mo at gusto mong masabing tama ka talaga.
Natutunan kong huminga, mag-isip at pumikit. Huminga sa gitna ng mga pangyayaring hindi ko inaasahan. Mag-isip kung ano ang sasabihin ko o kung magsasalita pa ba ako. Pumikit at isapuso na lang ang mga pananaw ko sa buhay, na may mga bagay talaga na nangyayari for a reason. Siguro test na rin yun sa pagkatao mo.
Sa madaling sabi, hindi na ako madaling ma-beastmode . Yun lang.
April 23, 2018 - Monday
Yung siya yung dahilan kung bakit ka napupuyat tuwing gabi. Yung kahit alas dose na ng hating gabi, napapangiti ka pa rin sa tuwing nakikita mo yung sagot niya sa'yo. Yung minsan mga salita, minsan boses niya. Yung hindi ka mapakali sa tuwing sasagot ka sa mga tanong niya. Yung hindi mo napapansin yung paglipas ng oras. Yung taong dahilan kung bakit ka masaya bago matulog. Yung kung pwede lang sana, hindi na matapos ang gabi. Sana wala nang good night. Sana wala nang goodbye.
Pero ganun siguro talaga, lahat natatapos. Lumulubog ang buwan at sumisikat ang araw. Yung wala ka nang magagawa kundi alalahanin na lang yung boses niya. Yung lahat ng mga napag-usapan niyo. Yung umaasa ka na lang na sana…
Better late than never. Team Bonnie’s Team Breakfast. #dapathappylang #nobadvibes (at Yellowcab Eastwood City)
“Isang araw lang yang VALENTINE’S DAY. Lilipas din yan. Pero ang pagmamahal ko sayo, tapos na ang valentine’s day, patuloy pa rin.”
#babylordsebastian👼 #wokeuplikethis😂 #dapathappylang
#babylordsebastian👼 #wokeuplikethis😂 #dapathappylang