Paghinto. Sana'y agad naiintindihan ang rason ng mga paghinto o pagtigil, ng kaguluhan ng isip, ng takot o kaba, ng mga natatagong karuwagan. Sana'y agad itong nakikita't napapansin, para siguro'y buong tapang agad na mapiling hindi na mashuminto pa, hindi na masgumulung-gulong pa lalo pababa, hindi na makapinsala pa. Sana'y bukas hindi na muling malamon ng mga ito, 'pagkat ang tanging kagustuhan lamang mula simula'y maging regalo ang puso. Napakaraming sana, pero sa ngayo'y muling hihinga ng malalim, buong tapang na muling sasambiting, "Malayo na ang narating, okey lang, derecho lang".















