Bago matulog, kaakibat ng munting dasal, ang pangarap tulad ng sa lahat, na sa dulo, sana'y maging maayos din. 🌄🌄🌄
Sana maintindihan ng lahat, o kahit ng nakararami man lang, ang laki ng tulong na maibibigay ng pag-alaga sa sarili sa ganitong panahon, ang lawak ng epekto na maibubunga ng pagsakripisyo at pagsunod sa mga rekomendasyon ng nakatataas kahit mahirap gawin (self-quarantine, self reporting, social distancing, handwashing) o tanggapin (lalo na pag may mga galit tayo sa gobyerno). Maintindihan ng masbuo, na ang pag-alaga sa sarili at pagsunod ay may kabuluhan, kahit pa hindi agad nararamdaman.
Sana maliwanagan ang nakararami, na ang mga ito ay para sa kapakanan ng lahat, kasama ang ating sarili, mga mahal sa buhay, mahihirap na walang-wala, may sakit na hirap lumaban at ang susunod na henerasyon na nakaabang.
Sana manatiling malusog, puno ng lakas at pag-asa ang lahat, lalo na ang mga frontliners ng health team at gobyerno ng buong mundo, na araw-araw humaharap sa sitwasyong ito ng buong tapang, kahit delikado, pagod at ubos na.
Sana ay humupa na ang pagdami ng may sakit, dami ng mga nagkakakomplikasyon.
Sana rin ay madiskubre na ang angkop na gamot, sa tamang panahon, sa lalong madaling panahon.
Sana sa lahat ng sana, patuloy na magamit at makatulong sa simpleng pamamaraan, sa bawat oras, araw-araw, habambuhay. Na sa bukas na parating, kahit pa hindi masagot agad ang lahat ng sana, mabaon ko lagi ang pag-asa na sa dulo'y lahat magiging maayos din. Amen🙏🙏