Bye?
Itong nakaraang linggo paisa-isa ung mga kaibigan kong na kinikita ko. Gusto ko kasi iparamdam sa kanila na hindi ko sila makakalimutan. Hindi ko kasi alam kung babalik pa ako o baka matagalan ung pagbalik ko. Malapit lang naman tong Tanay pero sympre hindi na magiging kasing dali ng dati kung gugustuhin ko silang makita. Nakakalungkot at nakakacurious kung ano nanaman ung makakasalamuha kong mga tao sa Antipolo Campus.
Ang dami kong mamimiss sa Manila.
Sa Lagro ..
Unang una na ung FRIEND CHORVA (siomai) ni kuya Mandy, Haha. Inaraw-araw ko ung siomai dun! Kahit ung breaded pork chop. Ung mga pick up lines ni Kuya sa elevator. Ung mga prof ko, Naflattered nga ako sa mga bilin ni mam Burabo mabait pala siya kahit hindi maganda ung 1st impression ko sa kanya. Ung pag 123 ko sa mga jeepney na byaheng Lagro-Bayan. Paghatid kay Anne sa sakayan paQuiapo. Ung pagbebenta ko ng kung anoano sa mga Blockmates ko. Ung pang tratrashtalk sken ni Celdrin, Ung pagmumura ni Reycia, Ung pagtawa ni Nove Mae, Ung pangongopya ko kay Jessica, Ung pagbwisita ko kay Gian, Ung pagkikilay ko kay Abegail, Ung pagsasalamin habang nagkaklase, Ung pagkanta ko sa harap, Ung ginagawa kong Photography class ung Labaratory class namin, Ung pagakyat sa 7th flr ng CAS bldg. Ung SUBA break, Ung pagikot ko sa Smf araw-araw, Ung pag kalma sakin ng Dash6 pag umiiyak ako sa session. Haaaaaaaaaaay! May mga bagay pa siguro akong mamimiss na hindi malalagay dito pero mamimiss ko lahat-lahat! Sa loob ng 3 buwan na yun nagbago ung buhay ko. Tinuruan nila ako paano maging mature. Sana sa Antipolo Campus kasing Cool din ng mga tao sa Lagro. :) Sana maalala nila ako sa paraang gusto ko. ♥










