Date-kuno
He's been asking me out, puro tanggi ako. Tapos kahapon sabi ko sige na pero saglit lang papakita lang ako. Nauna ako kasi may bibilhin pa ko, sumunod na lang siya.
Ayun nagkita na kami. Hindi talaga ako kinabahan, to think na first time yun. Nahiya lang talaga ako. Hindi siya gaanong matangkad, ang ganda ng mata niya, mas maganda pa ata sa mata ko, mayaman. Uso naman ata sa first time, yung AWKWARDNESS dba Haha. Niyaya niya akong mag-ice cream, tanggi ako. Sabi ko titingin ako sa NBS. Ayun sinamahan ako. Titingin talaga ako ng books, pero iniisip ko kung ano talaga gagawin ko. Kinakausap naman niya ako, pero nahihiya talaga ako. Nung nakapili ako ng 2 books na bibilhin ko, nasa likod ko na pala siya. Tinanong niya kung ano yung bibilhin ko, tapos kung pwede daw niyang makita. Binigay ko. Nakakatuwa lang kasi nag-eeffort talaga siyang kausapin ako. Haha.
Lakad ulit kami. Nakita ko sila Rhea at Buking! Hindi ko alam kung tatawagin ko sila, kasi for sure magtataka sila kung bakit ako may kasama. Pero tinawag ko na sila, kasi hindi ko na talaga alam gagawin ko. Hahaha. Sabi ko sa kanya sandali lang, kakausapin ko lang mga friends ko. Tapos kung anu-ano ng sinabi nila Rhea. Bf ko daw, ipakilala ko daw sila. Ako naman -____________- Nakakahiya talaga. Tapos tinawag nila. Lumapit naman siya. Kinausap ni Bianca. Hindi ko alam kung anong sinabi. Haha.
After nun, OKAY na! Nakakapag-usap na kami ng matino. Parang naging ice-breaker namin yun. NAgbibiruan na kami. Tapos tumingin siya ng jacket. Aba tinatanong opinion ko! GF lang ang peg? LOL. Nagbigay naman ako ng opinion ko. Tapos sabi niya mag-wiwithdraw lang siya. Ayun tapos niyaya akong manuod ng sine, tanggi ako. Kain na lang daw kami, tanggi ako. Sabi ko next time na lang. Hehe. Btw, binili niya yung jacket. Haha cute lang! :">
Basta nagkapag-usap na kami ng matino, biruan, ganun.
Umuwi na kami, kasi may assignment pa talaga ako sa Accounting! Haha
Nagtext siya, ingat daw ako. Nag-'thank you' ako. Hindi daw. Siya daw dapat magpasalamat kasi pumayag daw ako. hehe. Tinanong ko kung baka na-disappoint ko siya. HINDI DAW! Baka ako nga daw yung na-disappoint kasi hindi daw siya maputi at super tangkad. LOL Ang saya lang. :)
Tapos pinakiramdaman ko. After naming magkita, ayun hindi naman siya nagbago! Ganun pa din siya. :)))
Ngayon walang pasok, ABA NIYAYAYA AKONG MANUOD NG SINE! Hahaha. Nabaha na nga eh. :P











