December Entry. Day 3:
Napatunganga ng bigla kitang nakita pagkalipas ng mahabang panahon. Hayskul pa tayo nung una kang nakilala at tandang tanda ko pa noon pa ma'y sobrang lupit mo na.
Kasama ko ang ulupong na kriminal (partner-in-crime) kanina at paulit ulit namin kinakanta yan hanggang sa naisipan namen na:
Mag adventure ng wala sa oras. Take note, office hours. Hahahaha! *insert evil laugh* At saan kami dinala ng aming mga paa? Syempre yung malapet lapet. Yung nakakaligaw na pasyalan.
Pagpunta palang adventure na, di kaya kame sumakay ng jeep! Instead sinundan namen yung jeep at sa wakas hindi naman ata kami naligaw. Susmaryosep ata pa ba yun? e hindi na nga alam yung susunod na daan.
Pagdating sa loob, yun naman ang bagong pagliligawan namen. Siguro twice palang ako napunta dun hindi ko pa naikot lahat. Kaya ayun sabi ko deretso lang tayo para di tayo mawala. Hahaha e walang sense of direction ang peg ko. Limited lang yung oras namin, mga 1 hour lang kami nagikot lunch break lang e, late lunch break na namen actually.
Tumingin tingin kame ng mga shops na madadaanan ng "diretso kuno" namen na direksyon. Kumaen ng cupcakes, sinubukan namen kumuha ng litrato kaso wag na sa imahenasyon nalang namin yun tska sabe ko umaga pa baka dumugin kame ng fans ko. Joke. Pogi problems nanaman. XD
Tapos bumalik kame sa office ng akala mo walang nangyare. At gutom nanaman kame. At syempre, babalik ulit kame dun andame kayang nakakabusog na sightings, tanong mo pa sa kasama ko.
Sinisigurado ko na mangayayare yun.*$#^&theF^&*UP i'm trying to sing this shit.*










