11/23/17 - Bigla na lang..
Bigla na lang siyang nagbago.. Nagbago ng nararamdaman, nagbago ng mood. Nawalan ng gana? Hindi ko alam. Nalulungkot akooo. Pakiramdam ko anytime iiwan niya na akooo. Para kong dinouble kill. Kakatapos ko lang sa heartbreak, tas eto nanaman ako.
Kasalanan ko din naman to. Bakit ba kasi ganun? Wrong timing ba ang pagdating niya?
Bakit ba kasi bigla na lang siyang dumating, bigla na lang din ba siyang mawawala? Bakit kailangan maging masaya pa kung matatapos din naman diba? Alam ko naman e, mahirap lumugar sa sakaniya, alam ko naman na mahirap paniwalaan, sino bang maniniwala sakin? Eh halos kakahiwalay ko lang sa boyfriend ko..
Bakit ba ganun ako? Nakakasakit ako ng tao nang di ko namamalayan.. Pano kung umalis siya? Iwan niya ako? Ipapkita ko bang masakit sakin to? O ipapakita ko na lang na okay lang ako?
Gustong gusto ko malaman ang nararamdaman mo.. Pareho ba sa nararamdaman ko? Nahuhulog ka na din ba pero natatakot na baka walang sumalo?
Litong-lito na ang isip at puso ko.. Ang gusto ko lang, ano pa man ang mangyari sa buhay ko, andito ka lang sa tabi ko.. at ipaparamdam ko sayo na habang andito pa tayo wala akong pagsisihan, dahil ang mga sandaling ito ang totoong nagpasaya sa puso ko.










