Made it to our monthly e-magazine :D
Pero feel ko ‘di nila napalitan yung month ng April, dapat May na. Hahaha. I just feel really happy. Kaya pala may bonus ako sa pay slip last Saturday. Kasi nag pm ako sa hr namin, sabi ko pa-double check if tama ba kasi dalawa yung pumasok magka-ibang amount. Sabi niya lang congratulations, you’re a nominee for the wow awardee. Kala ko yung bi-annual pay increase lang meron pero yung mga ganitong awards binibigyan rin pala nila ng incentive. Super nakakatuwa. Dahil ‘to dun sa client ko na nag bigay sakin ng discount code on their website so I can purchase my designs for free. Kaso lang may shipping fee e kasi it’s from the US. Hahaha. Pero gusto ko parin bilhin. Tapos ita-tag ko yung company, kasi finollow nila ako sa instagram ko. Hahaha. O ‘diba ganon na kame ka-close. Lol.
Katuwa lang talaga mag trabaho lately. Sobrang nakaka-gana, tsaka mas mabilis ako ngayon natatapos kase sobrang smooth and swabe ng pag-eedit ko. Hindi nag-lalag, ang bilis pa mag import and export so madali ang buhay. Lately ang dami nag ppm sakin sa facebook e about design pickle. Hahaha. So if may mag tatanong pa dito, yes, hiring parin kami!! :-) Grabe lang, sobrang love ko talaga trabaho ko now as in. And kahit virtually (via chat) ko lang nakaka-usap mga tao sobrang baet lahat and if may tanong ka, very approachable. Iniisip ko if mag cocontribute ako ng sulat, kasi parang gusto ko rin mag blog about how design pickle changed my life.
Isa kase sa mga purpose statements namin is change lives through creativity. And it’s not just applicable to our clients, na we change their lives through our works, pero as a designer, because of it, being a creative and part of design pickle, they also change/d our lives. Anyway, another achievement for me <3








