New Post has been published on Pinas FM 95.5
New Post has been published on http://www.pinasfm.com/senti-sultry-ni-diana-d-sa-pinas-fm-95-5/
"Senti Sultry" ni Diana D. sa Pinas FM 95.5
Isa sa mga kilalang kompositor at ngayon ay isa nang singer ang bumisita sa atin mga ka-Pinas, siya ay si Diana D.
#gallery-1 margin: auto; #gallery-1 .gallery-item float: left; margin-top: 10px; text-align: center; width: 50%; #gallery-1 img border: 2px solid #cfcfcf; #gallery-1 .gallery-caption margin-left: 0; /* see gallery_shortcode() in wp-includes/media.php */
Nagsimula ang career ni Diana D. bilang isang songwriter o composer, bagay na isa sa mga kinahihiligan niya. Ayon kay Diana, college pa lamang siya ay nakakapagsulat na siya ng mga tula. Ngunit isang araw ay mayroon aniya naghikayat sa sakaniya na magsulat ng mga kanta, at isa nga sa mga kanta niyang naisulat ay ang “Someday Soon” na binigyan buhay o kinanta ni Jed Madela na kilalang magaling na singer sa ating bansa.
Samantala, bata pa lamang si Diana D. ng makitaan ng talento sa pagkanta, ngunit palibhasa’y bata pa lamang at dala ng pagiging mahiyain kung kaya’t hirap siya noon sa pagkanta sa harap ng maraming tao.
#gallery-2 margin: auto; #gallery-2 .gallery-item float: left; margin-top: 10px; text-align: center; width: 50%; #gallery-2 img border: 2px solid #cfcfcf; #gallery-2 .gallery-caption margin-left: 0; /* see gallery_shortcode() in wp-includes/media.php */
Ngunit ngayon mga ka-Pinas, binisita tayo ni Diana D. hindi bilang songwriter lamang, kung hindi isa din singer, kaya naman inaalay niya sa atin ang kaniyang album na pinamagatang “Senti Sultry ” kung saan kasama ang kaniyang carrier single na “One Day”.
Magkakaroon ng album launch si Diana D. sa March 29, kaya naman para sa mga updates, maaring bisitahin ang kaniyang social media accounts:
Facebook: @DianaDayaoMusic
Twitter: @dianasotodayao
(written by Edrian Acla, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Francis Albuen)