Do not trust your dreams.
Commercial muna.
First of all, nanaginip ako. Sinusulat ko ‘to wala pang 30 minutes nang magising ako. Hoping na buo pa ‘yung naaalala ko.
Ang setting parang nasa simbahan daw kami pero hindi. Mukha lang. I’m not sure if all the students of our university na andon but it looks like ganoon na nga kasi marami kami.
Wala pang tao sa tabi ko and ayun na nga umupo siya sa tabi ko kasama mga friends niya. Pinalabas muna sila ulit dahil hindi yata nakapag-attendance pero pagbalik niya sa tabi ko ulit siya umupo.
Wala namang misa o kahit anong nagaganap doon kaya nag-uusap lahat ng students. Ako, tahimik. Crush mo po katabi mo, ‘no po. Imbis na boses mo marinig mo kapag nagsalita ka, puso mo lang. Puso!
Hindi ko masiyadong naalala na pero siya yata ang nagsimula ng usap. Hanggang usap lang kami nang usap. Nagiging comfortable na kami sa isa’t isa.
Tapos napunta sa isang gasoline station na ang kaharap ay isang supermarket. Naka-upo lang kami sa labas, nag-uusap pa rin. Magkaharap tapos nakikita ko namang inaasar siya ng mga kaibigan niya. Nagbibinata na raw siya. Hahaha.
May dumating na kaibigan niya tapos may dalang tubig. Pinabili niya ata. Uminom siya tapos inalok niya sa akin. Very breezy ang galaw. Hahaha.
Tapos, ayun umalis muna raw ako kasi parang masiyado na akong umaasa sa mga actions niya. Alam mo ‘yung pakiramdam mo special ka na kasi hindi naman siya ganoon sa ibang tao? O, hindi ko lang nakikita.
Hindi naman kasi siya ganon sa pagkakakilala ko. Sabi nga ng kaibigan ko, Oo, mabait siya. Mukha kayong magkaibigan pero wala siyang paki sayo. Ganong tao siya.
She was not referring to me. Generalized ‘yun. Kaya nung magkausap kami, pinapangaralan ko sarili ko na ‘wag umasa kasi bad ‘yun. Char. Pero ‘yun nga, iniiwasan ko maging feeling special kahit kanino pa. Hindi lang sa kanya.
At syempre, dati na akong nanaginip ng magkasama kami ni Jet. Maraming beses na. Akala ko magiging totoo na. It turns out, hindi nga niya ako kilala. :-----)
I don’t trust my dreams/nightmares anymore.










