#TGIF #PositiveFriday #Repost @real_diaryngbabae with @instatoolsapp ・・・ #diaryngbabae #quotes #tagalogquotes #girlquotes #pinoyquotes #patama #filipinoquotes
seen from Canada
seen from Malaysia
seen from China
seen from United States
seen from Japan
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from Canada
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from China
seen from Brazil
seen from China
seen from Canada
seen from United States

seen from Macao SAR China
#TGIF #PositiveFriday #Repost @real_diaryngbabae with @instatoolsapp ・・・ #diaryngbabae #quotes #tagalogquotes #girlquotes #pinoyquotes #patama #filipinoquotes
#maldita #diaryngbabae 👍
Dear xxxx, May rason pa ba para mag explain ako kung alam kong nagsasawa kana? May dapat pa ba akong ikwento kung alam kong nauumay kana? Alam mo kasi napaka big deal nung salitang 'nakakasawa' at 'nauumay' ka na sa isang tao. Sinabi ko pa naman nun na gagawin ko talaga lahat wag mo lang ako masabihan ng ganyan. Pero anyare. Nagalit ako oo. Nairita ako oo. Moody ako. Oo na oo. Pero shet x. Pagkabasa ko nung 'hirap mo kausap forever. Nakakasawa.' My heart shattered into pieces that I can no longer feel anything. You broke me. At sa kahit anong paraan para mag mukang okay lang sakin yun ay di ko magawa kasi nasaktan ako. Sobra. I am trying to understand you and all of your imperfections. But it seems like ako parin ang may kasalanan na naman kasi moody ako. So I guess this is enough. Alam kong mababasa mo 'to. Makipag usap ka nalang kung di ka na nabobother? Naiirita? Or what. Ayaw na kitang pangunahan. :) Enjoy the rest of your day. =)))
Dear xxxx,
Hi. Kamusta ka naman? Wala kasi akong makausap ngayon. Hindi ko alam kung ano ba dapat kong maramdaman. Hindi ko rin alam ano ba dapat kong ikwento sa mga kaibigan ko. Basta gusto ko manahimik, pero di tumitigil yung bibig ko sa kakakwento. Haha. Simula nung nagalit ka na saken, feeling ko ang boring boring na ng buhay ko. Gigising sa umaga, maliligo, kakain, magssoundtrip, sasakay ng jeep, makikinig sa mga discussion sa room, kakain ng lunch na medyo napaaga, tapos ireresume ang discussion, mag sshop, tatambay sa kung saan kasama ang mga prends tapos uuwi na. Feeling ko kasi may kulang. May bumabagabag sakin since nasanay na ako na lagi tayong magkausap. 'Tipong pag uwi mag aantayan pa tayo tapos tatambay tayo sa isang lugar tapos magkkwentuhan lang. Yun lang gagawin natin. Minsan tatawa ng sobrang lakas, mag seselfie tapos di na natin namamalayan na late na pala at kailangan na nating umuwi. Pero simula nun wala na. Nakakabored na. Oo siguro kaibigan ko lang din sila pero lagi ko na silang kasama e. Kumbaga given na yun. Gusto ko yung maiba naman. Ibang kwento naman. Pero wala eh. Kahit kausap ko sila, may hinahanap parin ako. May gusto parin akong makausap. Yung 'tipong magkachat na sa fb magkatweet pa tapos mag vvoice message pa. Di ko naman kasi sila nakakausap ng ganun. Yung hanggang 3am. Pero nung nag away na tayo, nagalit ka, nawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay. Parang sobrang lungkot ko. Di kasi ako sanay na may naiinis saken ng sobrang tagal. Parang ang bigat sa pakiramdam. Sobra. Ni wala nga akong clue kung f.o na ba tayo eh. Gusto ko naman makipag usap sayo ng personal kaso nahihiya ako. Feeling ko, di mo lang din naman ako kakausapin. Bakit kasi nagkanda letche letche. Kahit alam ko namang kasalanan ko lahat. In-admit ko naman e. Hiyang hiya na ako sa sarili ko. Pero pakiramdam ko wala lang sayo. Wala kang pake. Kaya bakit pa ako mag bbother na imessage ka o itext ka ng, "Hi. I'm sorry." kung alam ko namang maiirita ka lang lalo diba? Tska alam kong marami ka namang kaibigan na pwedeng makausap. Kaya di nalang ako makikietchos.
Ayun. Mahirap lang talaga. Pero gaya nga ng sabi nila, tuloy ang buhay. Chill chill lang. Mag pretend nalang na okay ang lahat. Ayun. Ingat ka nalang palagi. bye.
Ganito ba talaga pag sobrang naaapektuhan ka? Palagi ka nalang magddrama? :(
Dear xxxx, So ang aga aga mag bblog ako. Ha ha ha. Mabuti nalang talaga pinush ko sarili ko na makipag usap sayo kahapon. Dapat kasi kahapon pa tong blog na to kaso nakatulog na nga ako sa sobrang pagod. Nung nakita talaga kita sobra kitang namiss. Realtalk. Parang ilang buwan tayong di nagka usap. Ang oa man isipin pero totoo yon. XD So nagpaload ka na. Tapos sabi mo magpaload ako. Edi sinunod kita. Tska itetext ko rin si esa para dun sa antrap namin. Nakakainis kasi di ko alam kung anong meron sakin dahil ganun nalang yung mga reply ko sayo. Parang ewan diba. Alam ko naman na na bobother ka na eh. Kasi munggago ako kausap. Kaya sorry talaga. Mukang di na naman tayo okay. Pero ayos lang. Sinabi ko nalang na matutulog na ako kasi sobrang pagod talaga ako pero maniwala ka sa o hindi, pinipilit ko na wag makatulog kagabi. Wala eh. Bumigay na katawan ko. Hahaha. So ayun. Sorry xxxx. :)
Dear xxxx, Kamusta ka naman? Matagal tagal rin akong di nakapag kwento sayo. Actually di tayo okay ngayon dahil sa di maipaliwanag na dahilan. It seems to be crazy but napansin mo bang tuwing nag aaway lang tayo madalas akong may maiboboka dito? :3 Pero di naman talaga tayo totally mag kaaway. Ako naman lagi may kasalanan eh. Di ko talaga alam pero mejooo na offend ako sa sinabi ng kaibigan mo. Somehow may point naman sha. Pero alam ko naman na di mo yun gagawin pero bakit ang tingin ng lahat yun yung the best solution?! Di na ako nakapag reply sayo pati sa kaibigan mo kasi naiyak na ako. Oo siguro medyo Oa kung iisipin pero kasi bakit kailangan ko pa iexplain sainyo yung nararamdaman ko. Di ko nalang sinabi na umiyak ako nung araw na yun kasi baka isipin mo maliit na bagay iniiyakan ko. Nagsasawa na kasi ako sa issue. Immune na ako dun. Di ko na nga alam pano mababalik yung dati ako na kilala ng lahat. Gusto ko itext ka pero parang alam ko naman na yung mangyayari. And expected ko na, na wala ka ng pake 'bout dun. Feeling ko nga nagsasawa ka na maging kaibigan ako. Tinatry mo lang maging okay. Ayoko naman na pangunahan yung mga nangyayari eh. Di ko na kasi alam pano at ano na gagawin ko. And please wag mong isipin na inif.o kita porket di lang ako nagreply. May mga bagay talaga na di ko lang kinakaya. Di naman kasi sa lahat ng pagkakataon okay lang sakin lahat. Siguro padalos dalos yung mga desisyon ko pero di ko inisip na gawin yun. Nainis lang talaga ako. -
Dear xxxx,
Naiipit ka na naman sa gulo. Oo alam ko. At hindi ko alam pano matigil yun. Nakakaumay na rin pala. Alam mo kung bakit ako nagpaparinig sa kumag na yun kasi ayokong mapagtuunan ka nila ng pansin. Ayoko ng madamay ka. Tama na yung ako yung mapansin nila at pagpyestahan nila sa mga maboboka nilang bibig. Basta wag ka na lang nila isama. Alam ko naman kasing nahihirapan ka na e. Kahit di mo man sabihin ramdam ko. :( Sinabi ko kay ***** na wala akong pinapanigan pero alam mo naman kung sino kinakampihan ko diba? Nakakahiya nga sayo kasi mga ewan yung mga kaibigan ko. Pagdating kasi sayo ayaw nila sa personality mo. Di ko rin alam bat sila ganun. Madrama sila. Oa ganun. Basta sorry xxxx. Nahihiya na ako sa mga pinapakita kong attitude sayo. Sana di ka magsawa :(