Kung title ng blog post ko na ito ang titingnan, akala mo may laman yung 2 years na yun. Akala mo may nangyari, akala mo anniversary namin. Sana? Hindi rin. Kung noon, sasabihin kong oo. Pero ngayon? Hindi na, wag na lang.
That's when it all started. Kung tanga ako ngayon, mas tanga ako two years ago. Two years ago na pala nang makilala ko siya. Nang una ko siyang makita at mapansin. Two years ago na pala nang una akong magpost sa blog ko para sa isang lalaki. Two years ago na pala mula nung una akong nagpakatanga, nagsakripisyo, at nasaktan ng paulit-ulit dahil sa sobra kong pagmamahal sa isang tao na ngayon ay narealize ko na hindi talaga deserving. Two years ago na pala mula ng matutunan kong magsaid ng pagmamahal para sa sarili ko, may maibigay lang sa kanya. Halos malimutan ko na na babae ako sa sobrang dami ng moves at efforts na nagawa ko para sa kanya. Hindi naging kami. Kahit kailan hindi niya ata ako nagustuhan o minahal man lang. Lahat ng ginawa ko nauwi lang lahat sa wala. Nasayang lang. Imbes na sa tamang tao ko sana naibigay, naibuhos ko lang sa kanya. Sa kagaya niyang wala namang pakialam at hindi nagkaroon ng pake sa nararamdaman ko kahit kailan.
Ilang beses kong sinabi na ayaw ko na, na tama na. Na sana mawala na talaga. Siya ang laman ng 11:11 wishes ko, laman ng mga dasal ko, laman ng isip ko mula pagdilat ng mata ko sa umaga hanggang sa pagpikit ko sa gabi. Ultimo sa mga panaginip ko. Ni isang segundo hindi siya naalis sa isip ko. Ganun ko siya minahal. Siguro hindi niya narealize kung gaano siya kaswerte. At magpasahanggang ngayon, umaasa ako na balang araw mararamdaman niya rin lahat ng sakit na naiparamdam niya sakin. Ni kalahati o 1/4 na pagmamahal na ibinigay ko hindi niya naibalik. Hindi na nga ko minahal, paulit-ulit pa kong sinaktan at pinagmukhang tanga. Hindi ako galit sa kanya. O sige na aaminin ko na, may hinanakit ako sa kanya at dala dala ko yun magpasahanggang ngayon. Dahil kasi sa nangyari, natrauma na ko. Palagi na kong paranoid at negative mag-isip. Palaging sumasagi sa isip ko kapag may nadating na bago baka saktan lang din ako kagaya ng ginawa niya. Nawalan na ko ng tiwala na magmahal ulit. At kung magmamahal man ako ulit, alam kong kahit kailan hindi yun magiging kasing tindi at kagaya ng pagmamahal ko sa kanya dati.
Sa totoo lang, ayoko siyang makitang masaya. Selfish at masama man pakinggan pero ayoko talaga. Alam kong hindi niya alam kung gaano niya ko nasaktan noon at alam kong kahit kailan hindi niya yun malalaman. Akala ko noon hindi na ko makakaget-over sa kanya. Akala ko hindi ko na siya makakalimutan at hindi ko na magagawang maibaling yung atensiyon ko sa ibang lalaki. Pero, mali ako. Mali pala ako. Sa ngayon, may iba na kong mahal. Pero kahit magmahal ako ng iba, narealize ko na palagi pa ring may part sa puso ko ang maiiwan sa kanya at hindi ko na mababawi yun gustuhin ko man. Palagi siyang magiging espesyal sa puso ko at hindi ko na maiaalis yung malaking parte niya sa buhay ko.
Ilang ulit man akong nasaktan ng dahil sa kanya, hindi ko pa din maitatanggi na sobra niya kong napasaya noon. Sobrang saya na tipong kahit pinapaasa na ko, kinikilig pa ko. Kahit pinagmumukha na kong tanga at niloloko na't pinapaasa, sobrang saya ko pa din. Ganun ko siya minahal. Two years ago na pala yun. Two years ago and hindi ko pa din magawang masabi sa sarili ko that I am really over you. Maybe I am not. And I never will. But at some point, it won't bother me that much anymore. Kung may natitira mang space dito sa puso ko para sa kanya, wala na sigurong pagmamahal dahil said na said na. Galit at hinanakit na lang.
Pero sa kabila ng lahat, Hindi man kami nagkatuluyan, siya pa din ang first love ko. Gaano ko man kagustong bawiin ang titulong yun sa kanya at gaano ko man kagustong ibalik ang panahon, hindi ko na yun magagawa. Pero kung babalik ako sa dati, hihilingin ko na sana hindi ko na lang siya nakilala.