sobrang nilalamon ako ng insecurities ko. alam ko na alam mo kung gaano ako kadalas tumambay sa social media accounts ng mga babaeng nalink sayo. yung mga nakalandian mo, mga nagustuhan mo, mga pinaglaanan mo ng oras at interes kahit tayo. i was a train wreck and i depended so much on you to keep myself together. ikaw yung ginagawa kong takbuhan kapag nalulungkot ako, kapag may mga problema akong kinakaharap. ikaw lang yung taong gusto kong kausapin noon kapag ganitong oras, kasi ganitong oras naha-heightened yung emotions ko. sayo ko gustong umiyak, sayo lang. kasi alam kong ikaw lang yung makakaintindi sakin, o kung hindi man, pipilitin akong intindihin. alam mo kung gaano ko kaayaw ipakita sa ibang tao yung weakness ko, dahil ayoko ng drama. ayoko ng ganung shits sa buhay. pero pagdating sayo, nasasabi ko lahat. as in, lahat lahat.
pero ngayon, wala na tayo. nasasanay na akong hindi sabihin sayo yung mga ganitong klaseng nararamdaman ko. kagaya ngayon, minsan tinatanong ko pa rin kung bakit mo nagawa lahat ng yun? di ba ko naging enough for you? did i just waste my more than three freaking years over you? but i was better now. so much better. i’ve managed not to depend on you, or on anyone. ever. again. i’ve managed to put my broken pieces back into place together again. hindi na ako masyadong naiinsecure, minsan na lang. minsan namimiss ko yung times nung tayo pa. natatakot ako na baka ikaw lang yung lalaking magtiis sakin, magmahal sakin. pero sa tuwing naiisip ko lahat ng kagaguhan mo, alam ko na marami pang iba diyan na mas deserving sa pagmamahal ko.
sorry din sa lahat. sa pagiging selosa, sa kawalan ng tiwala, sa pagiging nagger at iyakin ko pagdating sayo. sorry sa pagiging mahina ko, sorry sa pagbitaw ko sayo. sobra mo na kasi akong nasasaktan, sobra na akong nasira nang dahil sayo. gusto ko rin namang makahinga. salamat kasi pinakawalan mo rin ako. although, aaminin ko na may part sa akin na nag-expect na hahabulin mo man lang sana ako. pero i guess, hindi nga siguro ako ganun kawalan para sayo.
may poot pa rin ako sa puso ko. hinanakit, sakit, at katiting na galit para sayo. but above all, we all know that you will always have a special place in my heart. you are still in my prayers. and i will always, always, always hope that you will find your happiness even if it no longer includes me in it.
sana napasaya kita nung tayo pa. malaya ka na ulit makipaglandian ngayon kung kani-kanino. wala nang magagalit, wala nang magrereklamo. ito rin naman yung gusto mo, diba? at sa totoo lang, wala na rin akong pakialam.
alam kong di mo ‘to mababasa, at sorry. sorry dahil wala rin akong lakas ng loob na ipabasa sayo. sobrang malungkot lang ako ngayon, sobrang naiinsecure na naman ako kung kani-kanino. nakakapagod yung mahalin ka, pero matagal na kong tumigil. mas nakakapagod palang sisihin ang sarili at hanapin kung ano ba yung mali at kulang, when all along, sumobra lang yung pagmamahal na naibigay ko sayo, kaya siguro hindi mo nahandle.
alam kong balang-araw, dalawang bagay lang ang pwedeng mangyari: papatunayan mo sakin na nagkamali ako sa desisyon kong iwan ka, o papatunayan ko sayo na nagkamali ka na pinakawalan mo ko.











