03/16/13
Gala with Zander Ogre at SM Dasma.
5PM kami umalis. Kasi biglaan lang talaga yung gala na yun. Inaya ko lang siya gumala, tapos nag-aya naman siya mag sine. Ayuuuuuuuuuuun.
Pinanood namin yung The Last Exorcism Part II. FYI, siya pumili nun. Tapang-tapangan. Sabay nung nanonood na kami nagtatago siya sa likod ng ulo ko. Hahaha. Tapos bigla niya kong kinausap, biglang may nakakagulat na part, bigla kong napatili sabay sabi ng "Gagu!" Tapos tawa siya ng tawa. HAHAHA! Tapos pag may nakakagulat na part bigla siyang aayos ng pwesto kasi nagulat siya.
Tapos bigla siyang nagsabi na "Uwi na tayo. Labas na tayo. Natatakot na tayo eh." Hahaha, dinamay pa ko. Pagkauwi tumambay muna kami sa Park ng subdivision namin. At kung ano-anong kabaliwan at katatawanan ang ginawa namin. =)) ang saya lang kahapon.














