Paulit-ulit niyong pinapaalala sa amin na hindi naman mahalaga ang gradong makukuha mo sa elementarya, sekondarya at sa kolehiyo dahil ang mahalaga naman sa buhay ay marunong kang dumiskarte.
Pero paulit-ulit niyo ring pinapapaalala na ‘wag kang babagsak at dapat mataas ang gradong makuha namin dahil masasayang ang pinapagpaaral niyo sa amin.
At paulit-ulit din kaming hinuhusgahan at tinatapak-tapakan ng ibang tao dahil lang sa gradong nakuha namin.













