Sarili
Kailangan ko patigilin ang isip
Inaalala ang bawat pangyayari
Kinokontrol ang mga bagay na
‘Di ko naman talaga hawak
Kailangan ko ng itigil ang damdamin
Ang mga alinlangan at takot
‘Di ko na ilalaan ang oras ko
Sa pangamba na maulit ang kahapon
Kailangan ko ng tanggapin sa sarili
May mga napapabayaan na
Dahil ang pagkatao ko,
Ganito magpahalaga ng tao
Kailangan ng ipaubaya sa panahon
Magtiwalang muli
May mga tao man na nawala
May mga tao naman na hindi aalis
May maglaho man,
Ipapaintindi na lang sa sarili
Masakit man o hindi
Ang mga salitang “Ganoon talaga”
- Sj (February 25, 2016)











