Doon na lang
Doon na lang kita makakapiling
Sa mga tulang iyong inihabilin
Hindi man para sa akin
Akin pa ring sasariwain na pluma mo ang lumikha
Sa isip at puso dun nagpunla
Makapiling ka man lang kahit saglit dahil punong puno na nang pananabik
Doon na lang sa bawat titik sasariwain ang iyong halik
Lalasapin ang ‘yong lambing
Na di na muli makakapiling
Dahil sa bawat obra mo na lang kita mahahagkan
Mayayakap
Makakausap
Mamahalin
at ipapanalangin.










