Srsly roommates? Walang kwenta yung pagseset natin ng daily cleaners. Hindi naman napapanatiling malinis yung kwarto. Linis dito, linis diyan. Makalipas ang ilang oras o minuto lang, wala na naman.
Huwag naman nating hayaan na madumi yung study table natin. At hindi ibig sabihin na kapag okay lang sa akin na ilagay yung gamit niyo sa study are ko (dapat), ay hindi niyo na aayusin at iiwan nalang yung gamit niyo sa table. Sorry guys pero di ko na kasi kayang makita yung kwartong madumi.
Hindi naman ako ganun kaayos sa gamit pero hindi naman ako makalat. Sana naman yung mga gamit naaayos natin. Madali lang naman. Kung yung oras sana na naglalaro kayo ng computer games, in-allot nalang muna sana, kahit kaunting time lang, sa pag-ayos ng gamit niyo.
Heto pa pala, kung may nahulog man kayong gamit, pakipulot naman? :((
Huwag naman nating hayaan lang yung daily cleaner na ayusin LAHAT ng gamit. Limited lang naman ang dapat gawin nung mga daily cleaner e. Hindi obligasyon ng tagalinis na AYUSIN DIN YUNG GAMIT NIYO.
Oo, pang-acads yung mga nakakalat pero hindi ibig sabihin non ay exempted na kayo sa pagliligpit. Utang na loob. Tapos maya-maya may maririnig ako kung bakit parang ang gulo o binagyo yung kwarto natin.
Hindi ko alam kung itutuloy ko pa yung pag-stay sa dorm hanggang pag-graduate, kagaya nga ng sinabi niyo dati. Parang nagbibigay kasi kayo ng rason na mag-apartment ako. OO! Pinaplano ko talagang mag-apartment nalang. Kahit magastos. Kahit mas maganda naman talaga yung offer sa dorm natin. Sa tingin ko ay mas magiging maayos yun para sa akin kung ganyan din lang naman yung gagawin natin.
Medyo mahaba guys pero sana kung may makabasa sana, maintindihan niyo ako. Wala akong Obsessive Compulsive Disorder (OCD), ha? Kasi sa sarili ko, aminado akong di ako ganun kaayos sa mga gamit ko. Nasanay lang talaga ako sa bahay na pinapaligpit lahat ng nakakalat.