Sa nangyayari ngayon, hindi ko alam kung saan nakuha nang lakas ng loob at kapal ng mukha yung ibang tao para punahin ang ibang tao sa kagustuhan nilang lumabas para magtrabaho. I can’t believe some people have the audacity to say na makulit ang pinoy, na pasaway ang pinoy just because they are going out. I saw a post of a facebook friend who called out people who are refusing to stay at their homes. You see that facebook friend, is an engineer and whi has fixed and stable job. Apparently, the people he called out ay arawan ang trabaho, construction workers, delivery drivers and such. Sa tingin ba nang taong ito, gusto nilang lumabas at magkasakit? I mean, coming from someone na hindi nararanasan ang magtrabaho sa initan, magtrabaho ng walo and hanggang doseng oras pero hindi pa din sapat ang sinasahod. And please, spare me the saying na kasalanan nila na mahirap sila. Dude, 2021 na hindi na dapat ineexplain sa’yo kung bakit hindi na nagana ang kasabihan na ‘yan. By now, you should know na just because you’re priveleged enough to be given opportunities eh lahat na nang tao katulad mo. Imagine, ako nga pagod na what more pa sila? I am lucky enough to be able to have work despite the lockdown, pero paano yung iba? Aasa na naman ba tayo sa ayuda ng gobyerno na pilit binilubulsa ng iba? Ang ayuda na hindi pa sapat sa isang linggong buhay? Ayuda na lumipas ang ECQ, hindi pa din nakukuha? Sana hindi masarap ang ulam nang mga nasa gobyernong walang konkretong plano sa pandemyang ito. Sana hindi masarap ang tulog nang mga taong ito.
















