Di naman ako nagrereklamo dahil isang beses sa isang linggo na lang ako pinapapasok sa clinic. Ang akin lang naman eh, nakaka-buryo na talaga sa bahay. Gigising. Mag-jojogging. Kakain. Nood TV. Kain. Idlip. nood TV. Kain. Tulog. Sa totoo lang talaga, di na ko natutuwa sa ganitong setup. Alam ko naman na kelangan ko lang talaga ng mahabang pasensya. Kelangan ko lang mag-antay. Minsan, pinagsisisihan ko na lumipat ako ng kumpanya. Di ko naman akalain na aabot sa ganitong kalala yung pagka-reliever ko. Gusto ko ng pagkaka-abalahan. yung di ako gagastos. Nauubos na rin yung perang nakuha ko as backpay. pano na mga bills ko? hay. Ayaw ko magreklamo pero sa totoo lang, nahahabag ako sa sarili ko. Pero naisip ko na di ko naman kelangan mag-alala masyado. Andito pa rin naman yung faith at hope ko na may magandang mangyayari sa buhay ko, basta manalig lang ako sa Kanya. Gaya nga ng sabi nila, "Tiwala lang".


















