So my dad just bought me a gaming chair!! Ilang araw na niya ako kinukulit na bumili tbh since last week pa. Hahaha. Kasi nakakaawa naman raw ako, 'di ba daw sumasakit likod ko. Monoblock chair lang kase ginagamit ko for months now tas nilagyan ko lang pillow sa likod and sa mismong pwetan. Hahaha. Alam ko kase mahal talaga mga upuan. Next month pa sana ako bibili kase ang dami ko na gastos this month. E siya naman daw magbabayad, e nahihiya talaga kase ako. Tas una gusto ko lang sana bilhin mga tig 4k. Kaso ayaw ko na nung office swivel chair type, di yun comfy e. Tas may mga nakikita ako sa facebook market place isa na dun yung sa panther gaming kaso naisip ko baka mura nga pero 'di rin naman quality. So dibale na talaga gumastos basta alam mo naman maganda talaga gawa. Bili nalang sana ako sa lazada kasi mas mura pero ibang brand tas walang rgb. May nakita kase ako yung drakon raidmax nasa 7k. Kaso sabi ng tatay ko maganda daw nakikita ng personal. And may pang bayad naman daw bat 'di pa namin kunin yung nakita namin.
Btw we bought this at pc express sa may fairview terraces. 2 brands lang kase meron sila gamdias tsaka yung sharkoon, e mas mahal sharkoon so ito nalang kinuha ko. Gamdias din brand ng monitor ko. Dun lang din kase may mga gaming chair. Tinignan namin ibang pc stores sa cyberzon sa sm fairview kaso sa mga main branch pa daw inoorder wala silang on hand. Yung black and white sana kukunin ko para pair sa setup ko. Kaso walang available na stock next week pa magkakaroon and sabi nung kuya madudumihan lanh daw white. E 'di okay sige. Hahaha. Yung model pala nito is yung gamdias e1l. Bumili rin pala akong headphones yung steel series artic 2 2019 na version. Sa lazada ko lang kinuha. White binili ko. And I super love it. Ang ganda ng tunog pati mic, tinry ko mag record ng kanta parang studio quality na rin tunog. Tapos hindi pa siya masakit sa tenga kahit ilang oras ko na suot. Halos buo na talaga lahat. Papalitab ko nalang yung lamesa ko ng mas mahaba.











