BALABAL NI SOLOMON MOLCHO (1500-1532) Gawa sa puting telang lino na binurdahan gamit ang sinulid na silk. Tinatayang ginamit ang balabal/stole o “robe” na ito sa sinaunang sinagoga sa Bohemia o kanlurang lupain ng mga Czech noong ika-15 siglo. Medyo nakakakilabot ang istorya sa likod ng balabal na ito. Si Solomon Molcho (Hebrew: שלמה מולכו Shlomo Mol'kho, ay isang batang hudyong Portuges, isang martyr, na naniwalang ang hinihintay ng mga hudyo na Mesias o ang hinihintay na hari ng Israel mula sa lahi ni David at lulupig sa mga kaaway ng mga Judio at magbubuklod muli sa mga tribo ng Israel ay nasa katauhan ni David Reubeni, isang hudyong manlalakbay. Sapamamagitan ng inquisition, ipinasunog ng buhay sila kapwa ni emperador Charles V noong 1532 dahil sa salang apostasiya. Halos magkasing edad kami ni Solomon Molcho nang isuot nya ito. Sinubukan kong tumayo sa harap ng balabal sa eskaparate para kunwari ay nakapagsuot na rin ako ng ganito karangyang balabal. Pero sobrang laki, at hindi sukat para sa isang asyanong gaya ko. Masyadong mahaba, malapad at mukhang mabigat. Marahil nga ay iba ang balabal na nakalaan para sa akin at para sa atin.🙂 #SPBBDay2 #Prague2020 #Europe2020 #EchuserongPrague (at Maiselova Synagoga) https://www.instagram.com/p/B-kNA8FJLgf/?igshid=qbjc0nquxn0s













