Alam ko na yung problema na kinaharap mo ngayon ay pwede nating sabihin na isa sa mga pinakamahirap na pinagdadaanan mo. Alam ko na as of this moment, sobrang nahihirapan ka baby ko sa sitwasyon. Kasi under your ego, nagtatalo ung thoughts na sobrang nagsisisi ka and at the same time, naiinis ka kasi bakit kaylangang ganito ung maging consequences. Baby, oo bumagsak ka. Pero baby, grades will only be grades. It will not define you as a person my love. Bakit sila Steve Jobs, Sila einstein, Si Mark Zuckerberg and more people of today na nagleave ng mark sa history? They actually failed in their school pero tignan mo how successful they were now. Baby, failing is part of everyone's life. Kahit ako ilang beses nako nagfail at ilang beses ko na ding nadisappoint si mama at papa. I’m the black sheep of my family baby :))) But this isn’t about me, its about you. Baby failing doesn’t mean na hindi ka magaling or na bobo ka. Normal lang yan baby. Kung walang failures, walang success baby. I know na sobrang naguguilty ka kasi nasaktan mo ung mga taong sobrang nagmamahal sayo. Pero baby lahat naman kasi diba ng nangyayare may reason? Baby hindi ka bibigyan ni Lord ng trial sa buhay na hindi mo malalampasan. Alam ni Lord na malakas ka. At alam ko rin. Ejmalakas nga diba baby? Kaya baby, wag ka nang madown. Dahil, hindi lang naman ikaw ang may problemang ganyan. Yung iba nga, mas malala pero kinakaya e. Kaya ikaw my love, super alam kong malalagpasan mo din yan. I know baby na alam mo na ung mga dahilan kung bat nangyari to. Ung mga pagkukulang mo and kamalian mo. And I know na babaguhin mo yon. Kasi si ej matalino. Baby ikaw ung pinakamatalinong guy na nakilala ko. Being smart naman ay hindi lang makikita intellectually pero in many different ways. Baby sobrang naniniwala ako na makakayanan mo to and malalagpasan mo to. Kaya wag ka nang madown okay? Lagi mong tatandaan na nandito lang ako. Backup mo sa lahat ng bagay. Sa lahat ng pagdadaanan mo. Baby hindinghindi kita iiwan. Alam ko mas magiging mahirap ung sitwasyon kasi nga madaming ipagbabawal si mama mo. Pero baby tatanggapin ko yon lahat and susundin natin yun lahat. Baby alam ko ngayon naiisip mo na sumusuko na sayo lahat. Kasi pati si boss nga hindi ka na din pinapansin. Pero lagi mong tatandaan na may isang taong laging nakahandsup para tulungan, mahalin, alagaan at suportahan ka. And ako yun baby. Hinding hindi kita susukuan. Yung mga ganitong sitwasyon e sisiw lang kay ej at july. Di neto matitibag ang ating pagiibigan. Everyday mas minamahal kita. Yung mga ganitong sitwasyon ung mas nagpapatibay sa pagmamahal ko para sayo. Baby tandaan mo na walang perpektong tao kaya yung pagkakaroon ng pagkakamali ay kasama sa pagikot ng mundo. Sobrang mahal na mahal kita. Mahirap kasi medyo wala pa tayong communication. Sobrang namimiss na kita. Pero baby magiging ayos din ang lahat. Hindi tayo pababayaan ni Lord. Baby this saturday, at any cost, pumunta ka sa bahay okay? Ipapakilala na kita baby. Sobrang seryoso ako sayo. Sobrang hindi kita pababayaan. I will always be your backup my love. Kaya wag na wag mong iisipin na walang wala ka na dahil lagi kang merong Julie Anne. In the end love, magiging okay din ang lahat. Hanggat hindi pa okay, hindi pa yun end. Nandito lang ako palagi para sayo. And, ung second chance na ibinigay sayo love, naniniwala akong hindi mo na sasayangin <3 Mahal na mahal kita baby! Smile :)