Epic night is epic.
Ang daming nangyari. At gusto ko talaga ikwento ang bawat detalye ng nangyari noong Saturday pero tinatamad na'ko. But since I find ways, like BDO, ganito na lang.
9 am naglibot kami ni mama sa Zamboanga para maghanap ng Filipiniana. Note; para kaming naghanap ng karayom sa dayami dahil halos lahat ng fashion house, wala nang available.
12 nn, matapos naming makahanap ng gown at kimona para kay bunso, kumain kami ni mama sa kfc. Nabasa ko narin ang reply ni Rayana sa text kong tatambay ako sakanila mamayang gabi.
1-3 pm nasa bahay lang ako nag ta'tumblr. Nagtext si Rayana, overnight raw sa bahay nila as a birthday bash thingy. Naisipan kong tumanggi pero nakita kong maraming pupunta kaya gorabels.
6 pm pumunta na'ko sa kanila. Andun na si Christine.
Nagdatingan na rin sina Thea, Mika, Tong.
Tambay sa rooftop at walang sawang pinag usapan ang salad. And note to self, may sariling meaning kami ng salitang salad. Malamang may something na rin diyan sa utak mo. :B
Umuwi na si Thea. Umuwi rin ako saglit para kumuha ng cardigan kase nagdatingan narin sina Chedi, Rafsan, Dermin at naka tank top lang ako. Fuck.
Bumili sina Tong ng tinapang isda (di ako kumakain nun pero ayokong mag inarte) at nag dinner kami.
Sabaw na. Boring na. Dapat marami pa kaming kakainin kaso walang pera si Rayana.
11 pm nagtiyaga kaming mag marcha papuntang Bojol Grill. Yung karaokehan dun sa Yubenco. Pagkadating namin close na pala. Shit, Rayana. I was like so pissed off.
12 na. Nauna sina Tong & Mika para magpa gas ng motor. Eh kami, nga nga. Inis na inis na talaga ako. Tinawagan ni Christine sina Mik para sabihin pupunta na lang raw sila ng boulevard at ipapahabol na lang sina Mika.
Agad agad kong inagaw ang cellphone ni Tine at sinabing balikan nila ako sa Yubenco, sasabay ako sakanila para hindi rin matuluyan pagka badtrip ko.
Ayun, nainis rin pala si Mika. Nagplano kaming mag joyride na lang pero wala paring gas ang motor. May open na Shell, pero hindi raw pwede sa motor niya. Arte much.
Tumawag si Christine. Change of plans raw. Pupunta raw silang Catribo. Tapos inisip parin naming mag joyride. Nakahanap kami ng gas dun lang rin malapit sa Catribo. Hahaha. Tapos yun, broom broom on the gush.
Maganda na sana, enjoy na sana. Kaso SWAT here, Pulis there. Ugggh. Dumirecho na lang kami sa Catribo.
Bukod sa kinaiinisan naming katotohanang mukha kaming di kanais nais para pumunta dun ay boring parin talaga kahit bali baliktarin namin ang gabi. Sabaw kami sa videoke room.
Pagkalabas namin. Nagsimula na ang issue between me and Rayana. Peste eh. Basta. Nagkaroon ng alitan.
Yun, dahil sa inis ko nag change narin ang mind ko'ng matulog pa sa mansion niya. Nagtricycle na sila'ng pauwi. Sumama kami ni Mika kay Tong at nag joyride ng kaunti.
2 am. Napunta kami sa boulevard. Tumataliti na nun. Tapos ang lamig. Tumambay kaming tatlo dun habang hinihintay ang balita mula sa kabihasnan ni Rayana.
May napagkatuwaan kaming aso. Ang cute! Parang pinapahid pahid niya paa niya sa Island. Prancing dog.
Nabalitaan naming binugbog si Rayana ng tito niya. Yes! Lol joklang po. Di naman kasi namin kasalanang pinatakbo niya kami habang wala pa tito niya nung umalis kami papuntang Bojol.
Lumakas na ang ulan. Hinintay namin sina Christine, Chedi, Rafsan.. basta lahat ng sumama, umalis sa bahay nila dahil sa crisis na nangyare.
Nakanganga kaming tatlo sa boulevard at tinutunaw sa titig yung aso kahihintay sa Hi-lux nila Chedeng. Tapos yun, dumating na sila.
Nakakamatay yung kinunwento nila. Pero oo, nevermind. XD
3am pinasingit na lang ako nila Mika sa plano nilang umuwi sa bahay nila Christine kase di narin ako makakauwi dahil wala nang magbubukas ng gate para saken.
Pagkarating namin sa bahay nila nagluto yaya ni Tine. Nagbihis narin kami at kumain. "Sawakas, nakakain rin tayo ng totoong pagkain." Ang bastos talaga namin, pero totoo rin talaga. Hahahaha.
4am, balik sa kwarto then net, usap, chika, bisya. Ang daming napag usapan. Enjoy. Buti na lang relatable mga topic ba. 5am, lights out. Ingay ni Mika. 6am na raw siya natulog dahil sa ka-PBB teens niya. XD
Nagising ng 9am. Shiz. Bitin. Nganga muna sa bed until 12 noon, I guess. Tapos kumain kami. Then idk, dumating si Megz.
Namroblema kami ulit sa pagkain. Naligo si Tine. So bale, kami nalang ni Mika ang nangangamuy. Wala kasi kami dalang extra panty. Hahahahaha.
May PBB problem din si Mika sa manliligaw niya. Ayun, habulan effect. Gosh. Ma'effort. Umuwi na rin ako. The End.
Sa ganitong lagay, hindi pa eto detalyado. Two days ko'ng pinaghirapan tong post. Fuck. Wala naman magbabasa pero masaya lang talaga siya ikuwento. HAHAHAHAHAHA.






