ang bunsong anak ni Kabesang Tales na namasukan kina Hermana Penchang at itinuturing siyang makasalanan nito palibhasa’y hindi siya marunong magdasal. ginamit niya ang perang nalikom mula sa pamamasukan sa pagtubos ng kanyang amang hinuli. Napasakanya ang agnos sapagkat ibinigay ito ng kanyang kasintahang si Basilio. Namatay siya dahil tumalon siya mula sa bintana ng simbahan upang makawala sa mga kamay ni Padre Camorra.
Kapansinpansing isang mabuti at mapagmahal na anak si Juli. Matulungin din siya dahil naghanap siya ng kahit anong paraan upang maitubos lamang ang kanyang ama. Maituturing siyang huwaran at sana’y tularan siya ng mga kababaihan.















