Hi !! Since a lot of people are sharing thoughts regarding this post, and I also want to share my thoughts. I'm more comfortable to share it here in tumblr, so I hope you don't mind.
Naiintindihan ko naman ang pandidiri sa mga kalaswaang bagay, ngunit nakasasakit sa damdamin ang makitang iniinsulto ang Wikang Filipino. Lalo na kung ito ang wika na kinagisnan natin.
Nakakalungkot pero karamihan sa mga Pilipino ngayon ay mas kumportable na magsalita ng mga banyagang lenggwahe.
Bakit ang lakas ng loob manglait ng Wikang Filipino kung hindi pa naman nila natutuklasan kung gaano kaganda ang wikang Filipino. Mas lalo na kung ginagamit mo rin itong wika upang makipagkomunikasyon, talagang nakakadismaya.
Walang "cringe" o "kanal" kung ang isang manunulat ay may kaalaman kung gaano kalalim ang wikang ito. Pinapahayag nila ang pagmamahal nila sa wikang ito sa pamamagitan ng pagsusulat na purong Filipino na naratibo.
Lumaki akong marunong lamang magsalita ng Tagalog ngunit hindi pa marunong magsulat. Sa kalaunan, natuklasan ko rin ang mga literatura na sinulat ng mga Pilipinong manunulat. Doon ko napagtanto at nadiskubre ang kagandahan ng Wikang Filipino.
Ang mga literaturang ito ang nagpagising sa akin kung gaano kahalaga na mahalin at ipaglaban ang wikang ito. Ito rin ang dahilan kung bakit maayos ang takbo ng buhay ko ngayon. Lalo na ito ang tumutulong at binibigyan ng motibasyon sa akin na kumuha ng mataas na marka at magkamit ng mataas na parangal sa paaralan.
Kaya lubos kong ipinagmamalaki ang aking wikang ikinagisnan sa pamamagitan ng pagsusulat. At mas nais ko pang matutunan ang Wikang Filipino nang malalim.
Sana matuto po tayo kung paano po natin pahalagahan ang ating sariling Wika. Tagalog man, Bisaya, o taglish.














