Tiyaking nakabatay ito sa temang nais palutangin sa gagawing pagtatanghal. Maaaring gumamit ng orihinal na kathang akda. Tiyaking mabasa at lubos maunawaan ang paghahanguan ng seleksyon.
Pangalan ng mga karakter upang maging gabay sa mga manonood para mabilis ang pagkilala ng papel ng bawat puppet.
Ang maraming tauhan ay dapat maiwasan sapagkat ito’y nagdudulot ng kalituhan.
Upang magagabayan ang puppeteer sa pagtatanghal, dapat bumuo ng iskrip, maglaan ng deskripsyon para sa kilos at galaw para sa puppet at maging sa bilis at bagal at maging ang damdamin sa gagawing pagsasalita ng mga diyalogo.
Hanggat maari’y gawing computerized ang pinal na kopya ng iskrip. Naka-double space at bold and pangalan ng karakter.















