Idol ko talaga 'yang cover group na 'yan. Ay grabe, super galing talaga nila. Kung hindi mo pa sila kilala or hindi niyo pa sila napapanood, search niyo na lang sa YT at humanda na kayong mamangha.
Una ko silang napanood nung Mr. Simple Album Launch sa Skydome. Naamaze talaga ako nun kasi ang galing nila. Hindi pa ako ganun nagspazz sa kanila kasi hindi pa talaga ako fan ng mga cosplayers. Ang kilala ko palang nung mga time na yun ay MBLAST. Kaya kahit padaan-daan lang sila sa harapan ko ay hindi ako nagpapicture. Haha isa yun sa mga super sayang na nangyari sa buhay ko. Kaya ayun, after nung event ay ini-search ko sila agad sa fb.
Second na yung nung KFEST nung April 1. Talagang isa sila sa mga grupo na inabangan ko talaga sa event na 'yan. Syempre napakagaling parin nila. WOOOO CHAMPION sila sa Female Category sa KPOP DANCE REV. :DD
Yuuun, SUPER FAN parin ako nila kahit anong mangyari at pipilitin kong pumunta sa mga event lalo na kapag magperf sila. Hindi narin ako mahihiyang magpapicture. HAHAHAHA
Parang ang saya lang kasi kapag kaclose mo silaaa XD