Minsan, napi-feel mo ba yung ayaw mo na nung identity na meron ka ngayon? Yung masyado ka na nalimitahan ng kung anong pagkakakilala sayo ng officemates mo, friends mo, special someone mo, and even ng family mo. Yung may mga gusto kang gawin pero di mo magawa kasi hindi ka susuportahan ng mga tao sa paligid mo dahil it's so not you. Kahibangan lang yang iniisip mo or i-aarte mo. "Nakakatawa, itigil mo yan." Yung gusto mo lang kumawala and build a new kind of you. Tipong maglalaho ka na lang, pupunta sa isang lugar na walang nakakakilala sa'yo where you can be anyone you want to be and have a clean slate. A place where you create your alternate universe instead of just imagining about it.













