Never put your own happiness in someone else’s hands.
Ito ang kasabihang Maikli ang pagkaka-construct, walang kahirap hirap sa paggamit ng english pero maniwala ka, Ito ang kasabihang malimit na di kayang sundin o intindihin ninu man..
Paano nga bang maiiwasan na ang kasiyahan mo ay magiging nakasalalay sa kamay ng iba lalo na sa kamay ng Taong alam mo at nais mong humawak ng buhay mo?
Ilang beses na akong nagmahal at nasaktan. At sa mulit muli na ako'y magmamahal lagi kong itinatatak sa isip ko na hindi ko hahayaang siya ang maging source ng kasiyahan ko. Hindi ko hahayaang siya ang humawak ng kasiyahan ko? Ngunit eto na naman ako, tuwing sa hindi siya magtetext, hindi magpaparamdam, hindi magpapakita, nalulungkot ako. Nabura na naman ba sa aking isipan ang mga katagang pilit kong itinatatak sa aking isip?