Ayun, nag TA kase ko sa idol ko e. A day before their anniv yata (nung gf nya). Sino? Si Tipsy D. Actually hinintay ko munang umabot ng 1 o dalawang araw bago ko pinost to. Baka kase kako natambakan lang yung TA ko tapos sasagot din siya. Umasa talaga ko. Kala ko kasi iba siya. Friendly. Approachable. Sa iba siguro,OO. Di naman ako galet, ayokong magalit dahil una, karapatan niya yun. Nasa kanya kung sasagot siya o hindi. Pangalawa, baka may hindi siya nagustuhan sa nasabi ko o nagkamali ako ng salitang ginamit kaya di siya sumagot. Iniintindi ko naman kaya lang may kurot talaga sa puso e. Alam mo yun? Makikita mo sa dash mo na yung mga walang kwentang TA sa kanya sinasagot niya,pinapublish pa, pero yung sakin kahit tuldok wala. Sana kahit PM na lang niya na "Hoy tangina mo wag kang feeling close!". Kahit ganun lang sana para naman alam ko na nabasa niya at di niya nagustuhan. Hindi yung pinaramdam niya na parang tinapon niya lang yun sa basurahan. I know i'm a bit OA here at kasalanan ko pero trip ko magdrama kaya bear with me. Pero di ko siya i-a-unfollow or i-ba-bash, gusto ko lang sabihin yung nararamdaman ko sa ngayon. Wala naman magbabago. Idol ko pa rin siya at isa pa rin siya sa mga hinahangaan kong emcee at blogger. Ksama sa buhay and madeadma, kaya alam na ^_~ Wuuu.