I think I'm falling for youuuuu 🎶🎶🎶
Three Goblin Art

❣ Chile in a Photography ❣

Product Placement
I'd rather be in outer space 🛸
YOU ARE THE REASON
No title available
Claire Keane
occasionally subtle
h

Janaina Medeiros
we're not kids anymore.

Origami Around
Xuebing Du

pixel skylines
Today's Document
Sweet Seals For You, Always
Game of Thrones Daily
DEAR READER
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
taylor price
seen from Italy

seen from United States
seen from Türkiye

seen from Malaysia

seen from Malaysia

seen from Bulgaria
seen from South Korea
seen from United States

seen from Netherlands

seen from United Kingdom

seen from Italy
seen from United States

seen from Türkiye

seen from Malaysia
seen from United States

seen from Poland
seen from Russia

seen from Canada
seen from Australia
seen from Malaysia
@pseudomeansfalse
I think I'm falling for youuuuu 🎶🎶🎶
SA PINAKAMAARTENG MILKSHAKE EVER
“Ang balahura ng nakaisip gumawa nito.”
Reaksyon ko kapag nakakakita ako ng ganito kadungis na milkshake na madaming burloloy. Ang dugyot. Sorry, wala kasi akong sweet tooth.
Kapag binigyan ako nito, kukuha ako ng maraming maraming tissue at papahidan ko yung buong tagiliran ng garapon para malinis. Ang messy ih. Hindi ako natatakam at nasasarapan sa itsura. Parang pagkaing nabubo sa sahig tapos isinalpak ulit sa hindi hugas na garapon kasi sayang. Nakakadagdag ng stress sa buhay dahil makalat tingnan. Bakit kasi hindi na lang kumuha ng mas malaking garapon at hindi yung kung anu-ano pang ipapahid sa tagiliran para magkasya at hindi tumulo. Hindi ako naaartsy-han. Pang-instagram lang to eh. Tska paano ko to kakainin at iinumin? Kelangan ko himudin yung buong garapon para hindi sayang?
Ang baboy po.
Tapos eto pa.
Yung totoo, may balak pa ba silang ipainom yung milkshake sa ginagawa nilang yan? Daming pagsubok bago ka makainom. Tipong mapapaisip ka kung may malaking galit ba sa’yo yung crew kasi ganito yung menu tapos parang tinamad silang maghugas ng pinggan kaya ipinatong na lang yung burger at donut sa ibabaw ng garapon.
“Ser. Para isang hugasin na lang po. hihi.”
Aba teka, may scarcity ng pinggan? Hindi ata makatarungan sa side ko. Sana naiintindihan din nila na araw-araw akong naghuhugas ng pinggan sa bahay namin para may makainan kami pero bakit hindi nila magawa yun para sa’kin.
Ang gusto ko lang naman ay makainom ng tuloy-tuloy kasi nakakauhaw din pag may time.
Dito pa din ako sa classic.
Minsan iisipin mo kung bakit ka na lang biglang natitiis ng tao. Tipong ang hina mo sa mga taong malalakas sa ‘yo. Kapag hindi sila okay, andyan ka para sa kanila. Kapag hindi ka okay, hindi mo na sila makita. Hindi mo alam kung ano ba talaga rules ng pakikisama or ng pagiging kaibigan or pagiging tao. Minsan ang labo at kahit na gaano mo pa kagusto gumanti, hindi mo kayang gawin kasi alam mong hindi ‘yon ang tama.
Always and never are two words you should always remember never to use.
Wendell Johnson (via buhaybabae)
Book of the day: Bittersweet by Shauna Niequist
Get the FREE Kindle Reading App
”HINDI SPECIAL SKILLS ANG MAGMAHAL”
Masyadong basic at effortless ang magmahal. Ito ang pinakamadaling gawin dito sa mundo. Hindi yan isang special skills. Kaya mong mahalin ang isang taong isang linggo mo lang nakikilala. ( Yung jowa nga ng kaibigan ko nirasyunan lang ng pagkain napamahal na agad sa iba. Malala eh. ) Kayang-kaya mong mahalin yung hipon na lumalandi sa’yo sa chat. Kayang-kaya mo ulit mahalin yung taong ilang beses kang sinaktan kase may masteral degree ka sa pagpapakatanga. Madaling magmahal lalo na kung ginugusto mo yung pakiramdam na nagmamahal ka. Kaya hindi mo dapat ipagmamalaking dakila ka dahil lang sa umibig ka. Maliit na bagay lang yan. Ang pinakamahirap gawin? To stay in love.
Sa dinami-dami ng taong nakakasalubong mo kapag tumatawid ka ng kalsada, nag-aabot ng pamasahe mo kapag sumasakay ka sa jeep, nakakasalamuha mo sa trabaho at mga naglalabasang nakakaakit na larawan sa newsfeed mo, makakakita at makakakita ka ng mas higit sa kanya. ( Yung mas yummy, mas mabait, mas sweet, mas malaki dede, mas bibigyan ka ng oras, yung mas malapit.)
Darating ka sa puntong mararamdaman mong “parang medyo mahal mo na lang siya.” From “hayok sa pag-ibig” to “medyo mahal na lang”. Alam mong mahal mo pa rin pero hindi na tulad ng dati. Unting-unting nababawasan pero alam mong hindi nawawala. Falling out of love? Yun na nga siguro.
Pero ang pagmamahal ay hindi lang naman basta tungkol sa ‘nararamdaman.’ Hindi ka nagmamahal dahil lang sa rasong dito ka masaya o dahil gusto mo lang sumaya. Dahil kung ganun, gusto mo lang makinabang. Nanggagamit ka lang ng ibang tao dahil lang gusto mong sumaya. ( Eh di sana nagpa-footspa ka na lang. Masaya din yun sa feeling.)
Ang pag-ibig ay isang maya’t-mayang pagpili. Ang pagpiling mas tingnan ang kung anong meron sa kanya dahil kuntento ka na kesa sa mga pagkukulang niya na pwede mong makita sa iba. Isang pagpiling hindi dahil sa yun ang tama at kailangan o dahil sa isa lamang siyang bahagi ng pagpipilian. Patuloy mo siyang pinipili dahil sa kanya mo pa rin gustong manatili.
‘Cos staying in love needs commitment.
Pero pinakamahirap pa ring magdesisyon ~*kung saan nga ba talaga kayo kakain*~
SERIOUSLY POPOY, “BAKIT NGA BA TALAGA TAYO INIIWAN NG MGA TAONG MAHAL NATIN?!”
#1.
Si bes na mas makati pa sa kagat ng lamok.
#2.
Pati yung thigh part kinukuha natin. Bastus tayo eh.
#3.
Pero di naman tayo naligo.
#4.
Tapos puro aso na filter yung gamit natin para di tayo magmukhang pango. May pa-flower crown pa tayong nalalaman mukha tuloy tayong paso.
#5.
Feeling natin runway yung kalsada. May pa-‘Pak pak ganoin’ pa tayong nalalaman.
#6.
Hindi naman si Mr. M yung tindero.
#7.
Tapos ang nakalagay sa FB mo, works at ‘E di sa puso mo.’
#8.
Nag-abot ka lang ng pamasahe sabi mo agad “Keep the change. Sanay naman po akong hindi nasusuklian.” Eh wala ka naman talagang sukli hayup ka.
#9.
Tapos sabi mo pa, “Comment lang po kung sinong gustong magpabati.”
#10.
May pagtayo ka pang nalalaman sa upuan eh ang dumi naman ng paa mo.
#11.
Sana Caramel Frappe na lang sinabi mo para mas madali.
#12.
Tapos puro side view ka pa para kunware blogger pose.
#13.
Eh di ka naman nag-ambag leche ka.
#14.
Isa ka lang rebound, panakip-butas, parausan at dakilang assumera.
#15.
…. ang pride mong mas mataas pa sa kilay ni Daniel Padilla.
#16.
Walwalan ng feelings ‘to eh!
Pero mas masakit kapag iniwan ka ng isang tao… lalo na kapag nasa kanya ang pamasahe mo.
—
Sabi nga ni ma-emote na Popoy, “Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin dahil may darating pang ibang mas magmamahal sa'tin - ‘yung hindi tayo sasaktan at paasahin…'yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin.’
Dahil may darating na MAS magmamahal? Ano yun pakunswelo sa lahat ng sakit? Reward dahil nasaktan ka? Wow, thank you! Pero paano kung kuntento ka na dun sa dating pagmamahal at hindi mo na kailangan pa ng MAS magmamahal sa’yo? Pakshet, ang unfair.
Kaya tayo iniiwan ng mahal natin kasi HINDI NA nila tayo mahal. Dahil kung mahal tayo, hinding-hindi tayo susukuan. Yun lang naman yun, Popoy!
Grabe! After so so soooooo many years of searching for him, nahanap ko rin yung fb account nya. Nanginig na literal yung kamay ko pagkakita ko sa kanya. Grabiti! Pero wala akong lakas ng loob ng i-chat or i-add sya. I'm afraid of rejection. Especially coming from him. Haaaayyy! Ang gulo ko! Hahahaha! Osya goodnight 😘. #Ex #Assuming #Feeler #Hahaha
Continue to share your heart with people even if it has been broken.
Amy Poehler, Harvard Speech (via hplyrikz)
Kung kailan tumanda saka nag-inarte. Punyeta.
Nakakamiss mag-blog o.O
THE DECODING OF “I NEED SPACE” MONG GASGAS
10,000 B.C pa ang nakakaraan, malimit ng gamiting excuse ng mga Woolly Mammoth ang “I need space” para bigyan ng sign ang mga jowa nilang Woolly Mammoth din na “there’s something wrong.’ ( Kaya hindi nakapagtatakang naextinct din ang lahi nila.) Naadapt naman ito agad ng mga Homo Sapiens noong panahong iyon kaya ang ending, gamit-gamit pa rin natin ito magpa-hanggang ngayon. Sad ‘nu?
Ganun ka na ba talaga kataba at kelangan na niyang manghingi ng space dahil nasisikipan? Kung gusto niya ng space eh di sana nag Aeronautics na lang siya at naglakabay sa buwan. Dinaig pa ang hieroglyphics na kelangan mo pang i-decode kung ano ang mahiwagang mensaheng bumabalot.
Kung yung “I need space” ba niya is directly proportional to,
A. “Palagi ka kasing andiyan. Nakakasakal na.”
“Natural palagi akong andiyan para sa’yo kasi jowa mo ‘ko. Tapos kapag hindi naman ako mahagilap, ano naman ang sasabihin mo? “Lagi ka na lang kaseng wala.” Maling-mali.
B. “It’s not you, it’s me.”
Wala naman talagang problema sa’yo o sa relasyon niyo. Siya talaga yung may problema. Pero dahil ilang araw ka ng hindi kinakausap naapektuhan tuloy pati yung relasyon niyo. Kaya ang ending, ikaw pa yung naging problema. Napaka-ilogical.
C. “BRB. May titikman lang akong iba.”
Kasi, ang pinangako lang naman niya sa’yo, "Ikaw lang ang una’t huli kong mamahalin.” Wala naman siyang sinabing ikaw pa din pati sa kalagitnaan ng relasyon niyo. Pero babalikan ka pa rin niya para ikaw pa din ang #huli.
D. “I fell out out of love na.”
Tipong, naghananap lang siya ng lucky date sa kalendaryo kung kelan magandang makipagbreak pero mas maganda kung ikaw na lang yung kusang makikipagbreak para lumabas na ikaw yung sumuko sa inyong dalawa. So for now, okay na yung “I need space” muna para kunware nag-iisip siya.”
—-
Minsan, “I need space” is a prelude to a “break-up” lalo na’t hindi malinaw sa’yo yung dahilan kung bakit niya hiningi ‘yon. Lakas makadry-run para lang subukan kung kaya na bang igive-up ang relasyon niyo o hindi. Well atleast, andun pa rin yung ‘pilit niya pa ring sinusubukan.’
Pero ang pinakamahirap na parte nun, ni hindi mo alam kung gaano kalawak yung sakop ng “space” na hinihigi niya. Kung gaano kalayo ang dapat niyang ilayo para marealize niya kung ikaw pa rin ba yung kelangan niya sa buhay niya o wala na talaga. Siguro kaya related ang ‘space at time’ sa Theory of Relativity ni Einstein kasi espasyo lang naman yung hinihingi pero damay pati ang oras dahil hindi mo alam kung hanggang kelan ka maghihintay. Para kang biglang naiwang mag-isa sa kawalan na naghihintay kung kelan ka niya sasagipin. Kung sasagipin ka pa ba talaga niya o hindi na?
Ang demanding din naman kasi nila eh no? Binigay mo na nga yung buong mundo mo sa kanya, “buong space” pa yung hinihingi. Kaya ang ending, ubos na ubos ka.
Pero sabi nga, “Kung talagang mahal ka, babalikan ka.” Hindi ba pwedeng “Kung talagang mahal ka, sa simula pa lang hindi ka na magagawang iwan?”
PINAASA KA NGA BA TALAGA, WITH RESERVATIONS?
Fill in the blank with the correct answer from Marvin-Jolina movie.
“And I’m so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my ____”
a. ‘Bestfriend’
b. Ka-Tindr
c. Ka-FUBU
d. #tita
—-
People these days, ang bilis-bilis i-claim sa mga sarili nila na PINAASA sila ng hindi man lang inaasess ang sitwasyon. Kulang na lang magpatayo ng sariling dambana at magpa-ribbon cutting dahil sila daw yung sinaktan, niloko at pinaglaruan ang feelings.
Kapag na-fall agad at hindi naibalik yung lebel ng emosyong inilaan mo sa kanya, pinaasa na agad? Hindi ba pwedeng wala ka lang proper-training sa kung paano ihandle ng tama ang baluktot mong nararamdaman?
Pero teka lang muna ha. Bago mo sabihing PINAASA ka in all-caps,
1. Itanong mo muna mula sa kaibuturan ng ‘yong puso, “Binigyan ka nga ba ng motibo o namisinterpret mo?” “Pinaasa ka nga ba o nag-assume ka lang talaga?” Magsolve ka ng maraming Math problems magdamag para malaman mo kung kelan dapat at hindi dapat mag-assume.
2. Siguraduhin mo munang well-updated siya sa totoong nararamdaman mo bago mo ipagsigawan sa buong mundo na pinaasa ka nga. Hindi yung wala siyang kaalam-alam sa feelings mo pero damang-dama mo yung pagiging “self-proclaimed-pinaasa”.
3. Know the difference between ‘sadyang mabait lang’ and ‘sadyang pa-sweet lang’. Alamin mo yung paraan ng pakikitungo niya sa iba sa kung paano ka niya itrato para hindi ka agad nagfifeeling-special.
4. Hindi porket komportable ka sa mga bagay na pinapakita niya, hahayaan mo na lang na mahulog ka ng basta-basta. PILLS.
5. Hindi lahat ng tao mag-aadjust sa kakitiran ng nararamdaman mo. Ikaw ang responsable sa kung paano mo iinterpret ang mga bagay-bagay.
6. Wag mong gamitin ang pagiging ‘hopeless romantic’ mo para mas lalo maging ‘hopeless romantic’ ang isang sitwasyon.
7. Kung sa simula pa lang may ‘feelings’ ka na para sa kanya, subconsciously, kahit anong gawin niya, malalagyan mo ng ibang kahulugan ang mga bagay na wala naman talagang kahulugan.
8. Wag kang masyadong impulsive. Kape-kape din kahit 3-in-1. Hindi lahat ng minamahal mo, mamahalin ka.
—
Hindi kasalanan ng kahit sino kung bakit marupok yung damdamin mo. Ikaw ang may pananagutan sa bawat ugat na nakakonekta jan sa puso mo kaya wala kang karapatang isisi sa iba kung ano ang nararamdaman mo ngayon. Kung may nagawa man siya sa’yo para magkaganyan ka, majority pa rin nun ay kagagawan mo dahil hinayaan mo.
Minsan kase hindi naman talaga tayo pinapaasa. ‘Mas ginugusto lang talaga nating umasa.’ Kase mas gusto natin na merong konting sakit. Mas gusto natin na may sinisisi bukod sa sarili natin. Dahil dun natin mas nararamdaman na mas nagmamahal tayo.
( From the “Nagpaasa Daw’s” Point-OF-View )
Committed.
As long you guys stay committed sa isa’t-isa. Feeling ko sobrang minimal lang ng problema.
Committed.. meaning may oras kayo palagi sa isa’t-isa. Hindi man buong oras ang maibigay mo sa kanya, ipakita mo sa kanya na ginagawan mo palagi ng paraan para makausap siya.
Committed.. meaning may lugar lagi sa pasensya. Alam mo kasi na hindi naman kayo perpektong dalawa kaya need mo palagi ng pasensya para intindihin ang mga bagay na nangyayari sa inyong dalawa.
Committed.. meaning may pakialam ka lagi sa mararamdaman niya. Hindi ka magiging insensitive. Hindi mo siya hahayaang masaktan, hindi mo siya hahayaang mag-alala. Palagi mo siyang i-uupdate sa ginagawa mo para hindi siya mag-alala. Hindi naman literal na bawat segundo mong ginagawa. Basta i update mo lang siya kapag pakiramdam mo ay nag-aalala lang siya.
Committed.. meaning handa kang mag sakripisyo para sa ikakabuti niyong dalawa. Hindi ka magiging makasarili sa mga desisyon na gagawin mo. Palagi mong iisipin ang ikakabuti ng relasyon niyong dalawa.
Ilan lang yan sa mga bagay na posibleng magpatibay ng relasyon niyo. As long na committed kayong dalawa. Andiyan yung trust, faith at loyalty. Kasi dalawa kayong kumikilos. Umalis ka sa relasyon mo kung sa tingin mo ay one sided love ito. Hindi mo matatawag na relasyon ang one sided love. Hindi masaya ang one sided love. Never naging masaya yun :)
THE PURSUIT OF #RELATIONSHIPGOALS KEME
Relationship Goals? Pina-hipster na “Ideal Relationship” lang yan para kunware cool.
Nagsubuan lang ng pizza, Relationship Goals na agad? Sabay lang nag-exercise Relationship Goals na agad?
Ang babaw lang.
Hindi pa ba sapat para sa’yo na in a relationship ka na, at kelangan mo pa ng goals? Ang maramdaman mong mahal ka ng taong mahal mo at masaya kayo pareho sa kabila ng lahat ng kapakshetan sa buhay, kung tutuusin, isang malaking goal na.
Hindi porket Relationship Goals na yung kanila, yun na talaga ang basehan ng tunay at masayang relasyon. Isang picture lang yan na inupload sa FB pero that doesn’t define their relationship as a whole. Tapos Goals na agad? ( Oo, napa-english talaga ako. Hindi ko din alam kung baket. ) Walang sira-ulong magjowang magpopost sa FB para i- self vid ang sarili nilang nagpuputang-inamohan at nagsusumbatan ng mga pagkukulang nila sa isa’t-isa. Walang mag-jowang ibbroadcast na 10 years na sila pero may umi-Ettiquette of a Mistress pala. Yung “almost-perfect” at edited version lang ng kwento ang pinapakita nila. Hindi ang buong episode. Hindi ang buong season. Hindi ang kabuuan ng kanilang relasyon.
Hindi mo kailangang igaya o ikumpara ang kung anong relasyong meron kayo sa relasyong meron ang iba. Hindi lahat ng bagay na nakikita mo pwedeng magwork-out sa inyo. May mga bagay na applicable sa kanila pero hindi applicable sa inyo. Paano na lang kung ang gusto mong #RelationshipGoals ay yung tipong mala-”I can show you the world” na ittravel at ililibot ka sa buong mundo pero sa totoong buhay puro siya rock ‘n roll to the world sa pagdoDOTA. Kung talagang mapilit ka at gusto mong maki-relationship goals, siguraduhin mong mutual ang mga plano niyo sa buhay. Hindi yung ikaw lang ang may gusto. Dahil minsan, sa halip na makatulong yang Relationship Goals, mas lalo lang nakakasira.
Kung tutuusin, mas masarap pa ring isipin na hindi niyo na kailangan ng kahit anong #RelationshipGoals. Parang lakad lang din yan ng tropa mo, kapag sobrang pinaplano, hindi natutuloy. Mas maganda yung excited kayo pareho araw-araw sa mga posibleng mangyari na walang iniintinding kahit ano. Nakakapressure lang yun. Dapat, relationship lang. Wag puro goals. Dahil alam niyo parehong mas mahalaga ang kung anong meron “ngayon”.
At isa pa, kung totoong nagmamahal ka, kelangan mo pa bang isipin kung may patutunguhan o wala? Ang ending naman nun magmamahal ka pa rin di ba? Nasa relasyon ka ngayon hindi para may marating o may maabot na kahit ano. Kase, andyan ka na mismo, kasama yung taong mahal mo. Yun pa lang isang malaking achievement na. At the end of the day, dun pa rin tayo sasaya sa pinakasimpleng bagay na pinanghahawakan natin.
( Pero kung talagang mapilit ka, bago mag-skip sa #RelationshipGoals, sana #PanoMagkaJowaGoals muna. Baka nagkakalimutan.)