Jeniel Escario
Ang pinaka Importanteng karanasan ko sa Historical Visit ay pagpunta namin sa Manila Cathedral. Sa totoo lang namangha ako sa ganda ng simbahan,napahanga talaga ako sa sobrang ganda at habang nasa loob ako nagdasal ako at nagpasalamat sa lahat ng biyayang ibinigay sakin ng Panginoon.
Naisip ko na hindi lang pala likas yaman ng Pilipinas ang maganda ngunit pati na rin yung mga bagay na may kaugnayan sa nakaraan. Pakiramdam ko napakaswerte ko at isa akong Pilipino.
Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin nh lugar na mga pinuntahan namin naipakita ko ang pagiging isang mabuting estudyante.Ginawa ko yun para na rin tularan ako ng aking mga kamag-aral.
Nakakalungkot isipin na nakakalimutan natin ang kasaysayan dahil sa modernong panahon ngayon.Ang natutunan ko sa paglalakbay namin ay sobrang pa lang yaman ng Pilipinas sa mga magagandang lugar na hindi natin napapansin lalo na sa panahon ngayon dahil moderno na.












