My Ex and Whys
Madaming tanong sa isip ko ang bumabagabag sakin mga tanong na nais kong isahaliwalat at iparating Sa taong minahal ko lang naman at ibinigay ang sobra pa sa sapat pero nagawa padin akong saktan at iwan sa kabila ng lahat Sa taong pinaglaanan ko ng oras at atensyon pero nagawang ipagpalit ang lahat para sa panandaliang atraksyon Sa taong pinaniwala ako sa lahat ng kanyang mga salita na sa huli ay mema lang pala at walang kwenta Bakit mahal? Bakit mo nagawa ang lahat ng ito? kulang pa ba ang lahat ng mga nagawa ko? Bakit mo nagawang ipagpalit ako? Bakit mo nagawang itapon ang lahat ng meron tayo? Saan ba ako nagkulang? Sa pagmamahal ba o sa pakikipaglaban? Pakikipaglaban sa lahat ng hadlang, sa lahat ng bagay na hindi napagkaintindihan? O baka naman nasobrahan ka lang talaga? sa pagmamahahal at atensyon na nakukuha mo sa tulad kong nagmamahal lang naman sayo? linawin mo naman mahal oh... nahihirapan at nasasaktan pa din kasi ako. Pangit ba ako? o Kapalit palit? May kulang ba sa akin? o baka naman may pait? may pait kang nararamdaman sa loob mo, kasi hindi ka pa tapos mahalin ang nakaraan mo? Ang layo na ng mga sinasabi ko ano? ewan ko, hindi ko alam basta ang alam ko ang sakit sakit ng ginawa mo Hindi ko hinihiling na bumalik ka sakin hindi ko din pinagdadasal na ikaw ay karmahin Ang tanging pakiusap ko lang mahal, ay ang sana mapatawad mo ako sa aking mga pagkukulang pagkukulang na hinahanap mo hinahanap mo kasi nakasanayan mo nakasanayan mo noong nasa iyo pa siya siya na mahal mo at dahilan kaya tayo nasira Wala akong sinisisi na sinoman kundi ang sarili ko lang mahal dahil hindi ko naibigay sayo ang lahat ng mga ipinangako ko Sana pagdating ng panahon masasabi ko na okay na ako at nakaahon nakaahon na sa pagkakalunod ko pagkakalunod ko sa sobrang pagmamahal sayo at pagdumating yung araw na yun mahal, pinapangako ko sayo na hinding hindi na hinding hindi na ako magiging tanga at pipiliin ko nalang maging masaya :)












