our | story (2017)
....so then that happened, june 26 2017 we became a couple. A couple who's very platonic, and unideal. Yung couple na hindi mo aasahang magkakasundo, but we did. Believe it or not, we really worked hard, para lang mag adjust sa isa't isa on the first months of us dating.
there were times where, gusto ko magkaroon ng night outs, which ayaw nya pumayag. and matigas ulo ko non, sobra. Kahit ayaw nya, ipipilit ko talaga. So what he'll do, is tatawag sya every after 5 mins habang nasa inuman ako, just for me to update him, eventhough magkatext naman na kami. He also gave me a curfew, 12am tops. And no hubadera outfits. Pinakang payag na sya na suot ko is palda kasi mukha raw akong babaeng babae talaga. Hindi din siya napapakali everytime nalalate ako magreply, kahit 2mins lang. Eh ako pa naman yung tipo ng tao na hindi talaga mabilis magreply. So nung mga unang buwan namin, yun talaga madalas pinag tatalunan namin. Also, meron akong attitude where i like to call certain peeps "bro" "boi" "pre" etc, yun bang salitang pangtambay, and kahit ayun, gusto niya alisin ko sakin. And all of those shits i've mentioned? Lahat yun walang naging problema sakin na alisin, baguhin o iimprove, kasi ganon ko siya kamahal, at ganon ko gustong patatagin relasyon namin. Which is nangyari din naman, at dalawang taon na pamula nung nagsimula kaming bumuo ng mga memories namin....
-JULY 23, 2017- His 19th birthday. Pinakilala niya ako sa family niya, first girlfriend na dinala niya sakanila by the way. Unang pagkikita rin namin since we became a couple. His family accepted me wholeheartedly and sobrang saya nung gabi na yun. Had the chance to meet his pamangkins & cousins and half of the amat family, na sobrang mahal ko. His mom, ate and i also had the chance to have a girl talk nung napprepare na kami sa pagtulog. Sobrang masaya.
-JULY 26, 2017- Hindi man kami magkasama, eh sinalubong namin yung 1st monthsarry namin kasi yun ang gusto nya. We talked over the phone magdamag and ramdam ko yung saya niya na umabot kami ng isang bwan despite of the complications kahit bago lang kami. And miski ako, masaya ako na kahit babago palang eh nakasurvive na kami sa unang bwan, kasi akala ko talaga merong sumpa na binigay sakin kasi mostly yung past flings ko, hindi naman tumatagal ng isang bwan or whatsoever. Masaya, sobrang masaya ako nun, sobrang masaya kami.
-AUGUST 19, 2017- Second time na nagkita kami, magkaaway kami nung time na 'to kasi i kept on mentioning his ex kaya ang nangyari, hindi kami nag usap halos the whole day, tapos it turned out na inimbita ako ng pinsan niya sa isang event nila, then nung nandoon na ako, sakin siya hinahanap ng mga kamag-anak niya tapos sabi ko lang eh hindi ko alam kasi mag kaaway kami at hindi magkausap. tapos little did i know, tinawagan pala nila siya para ipaalam na andon ako and kung anong oras sya pupunta. Ang sagot niya raw is hindi siya pupunta kasi nga magkaaway kami, and that was actually okay lang para sakin kesa naman sa personal pa kami magbangayan, at mag away. Pero siguro wala pang 20mins nakakalipas, nag iinom na kami ng mga pinsan niya that time, nagtinginan sila sakin at sa likod ko, tapos mga nakangiti. Paglingon ko, andun siya, tapos lumapit sakin at nagsosorry sa inasal niya. Unexpected shit, bago pa siya umuwi non we had our moment under the full moon and that moment is something i won't forget, hinug niya ako ng sobrang higpit nun to the point na naisip ko "aba ayaw na ata ako bitawan neto hahahaha" napakasaya.
-AUGUST 10, 2017- i was at home, scrolling thru my facebook habang kausap ko siya tapos sabi nya icheck ko raw profile niya, i was shocked sa cover photo niya kasi picture namin yun from the last night we were together. That was the very first time na nagcover photo siya or kahit nag upload, nang babaeng dinedate nya. First time na inilabas niya ako from his facebook account na para bang proud na proud siya with me. I can't, i just can't contain my happiness.
-AUGUST 26, 2019- 2nd monthsary. Sinama niya ako pag-uwi niya sa Tiaong, Quezon. This was the very first time na nagsama kami na kami lang dalawa. We went to his auntie's house, pinakilala niya ako, naggala kami sa tiaong kung saan kami unang nagkita. then we had his cousin na sunduin kami, pabalik ng san pablo, but we had our stop over muna sa isang fastfood place, and we ate. Then pagdating namin ng san pablo, naisipan namin dumaan sa bahay ng bestfriend ko para maipakilala ko na siya, and nung nagkakilala na sila sabi niya eh "sa wakas, may maaasahan na akong magbabantay sayo dito sa san pablo" hahahahaha korni, pero masaya.
-SEPTEMBER 2017- i was hospitalized this month, and hindi siya makapunta o makadalaw sakin kasi daddy ko yung bantay kaya i told him wag na lang magpunta. Pero nung mga oras na yon, never niya pinaramdam sakin na i was alone fighting my battle, always kami magkausap, always nya ako iniintindi, na kahit sobrang sungit at taray ko sakanya non dala narin ng mga iniinom kong gamot, iniintindi niya talaga. Nagtampo pa siya non kasi sabi ko sakanya eh crush ko yung nurse na nag aalaga sakin, kaya sa kakatantrums niya, i had to request a nurse exchange, na gawing babae nalang nurse ko. Haha. He made sure that time na i was recovering smoothly and kahit malayo siya, ramdam ko yung pag aalaga niya sakin. Siya pa nga 'tong nag papaala sakin na inumin ko mga meds ko everytime limot ko. Haha. Was a rough battle being hospitalized, pero he still made me happy.
-OCTOBER 4, 2017- I was fully okay na this time, naka recover na at nakapag palakas narin ng maayos, kaya nagdecide ako bumisita sakanila. This was the first time na nakita niya ako paglabas ko ng hospt. kaya nagulat siya sa malaking changes ko haha. We went sa fiestahan nun, tapos naiirita sya sa suot ko, kasi i was wearing an off shoulder na crop top at leggings at the same time. So ibinababa niya tapos maiirita kasi nalabas cleavage kaya itinataas, tapos nakikita pusod kaya ibinababa ulit, natatawa nalang ako sakanya nung time na yon. Pero later on naman, sabi nya mag pose daw ako at pipicturan niya ako. Sabi pa ng mga pinsan at tito niya that time "inis inis kapa kanina sa suot, ipino photoshoot mo naman ngayon" hAHahaha gagawin lahat for my happiness, damn.
-NOVEMBER 2, 2017- Umuwi kami ng Tiaong Quezon kasama family niya, kakatapos lang ng birthday ng mommy niya non, tapos bumisita kami ng tiaong. Ayun yata yung first time na nakilala ko yung lola niya na siya ang favorite apo. Binisita namin that time si kuya mino, yung tao na dahilan kung ba't kami nagkaroon ng connection, yung barkada namin na namatay at naging dahilan para magkita kami. Then we spend the whole day lang yun sa bahay ng tita niya, kumain, nagsaya and everything. Nung gabi nagpicture taking pa kami kasama mga pinsan at tito niya. Nung pauwi na kami, sa pick up kami nakasakay, ayaw niya pa ako payagan na sa labas umupo, gusto niya sa loob kasi masireno na raw, pero syempre makulit ako kaya pinilit niya nalang ako suotin yung saklob niya na bigay ko na favorite niya haha.
-NOVEMBER 4, 2017- This was the time na pupunta kami sa debut ng isa sa pamangkin niya, sa victoria laguna. Tuwang tuwa siya sa suot ko non, kasi nakapalda ako. Yun lang kasi yung payag siya na isuot ko na medj hubadera, ganon, sabi niya babaeng babae ako. Tapos siya pa nagdecide non ng style ng buhok ko hahaha first time ko sumakay ng bus non na hindi mommy ko kasama ko, or na fieldtrip, tas sabi niya masaya siya kasi siya ang kasama ko sa mga first times ko sa buhay at isa na yon. Tapos pagdating namin sa venue non, tinginan samin mga tao, di namin alam kung bakit kaya nagtawanan nalang kami. HAHA. tapos nasira sandals ko non, dinala niya muna ako sa bahay ng tito niya, tapos bumili siya ng shoe glue tas akala ko ipapaayos niya sakin, pero kinuha niya paa ko, hinubad sandals ko at siya ang umayos. Pagbalik namin ng venue, kasama na namin mga pamangkin niya, tapos maya maya tumatawag yung lola ko, asking me to go home kasi di daw ako pwede mag overnight, pati may event din sa bahay nun. Tapos takas lang ako that time na di ako uuwi, kaya nagalit siya sakin nun hahaha umalis kami sa event kahit kakasimula lang, hinatid niya ako. Pinagalitan ako sa bahay, pero mas pinagalitan niya ako sa ginawa ko. Cute niya nun. HAHA
-DECEMBER 2017- 06-07, pageant niya nung time na yon and sabi niya na kailangan ko sumuporta kasi hindi siya rarampa kung hindi niya ako makikita doon. i was there afternoon palang, so nagdate muna kami, then iniwan niya na ako sakanila para umuna sa pag gaganapan ng pageant since need pa siya iorient at ayusan. So ang kasama ko pagpunta dun nung magsstart na is mom niya, pamangkin, at pinsan. Nung nakita niya kami, para siyang nakahinga ng maluwag. Then nagstart na yung event, malapit kami ng mom at pamangkin niya sa dressing room niya kaya kada magpapalit sila ng attire, syempre picturan muna ganon, tapos samin siya nalapit. Kada nasa stage din siya, samin siya madalas tumitingin tapos ngingiti sakin. Hindi man siya nanalo that time, hakot awards naman siya. At sobrang proud ako sakanya, kasi hindi naman siya sasali dun kung hindi ko siya pinilit e. at worth it ang pagkukumbinsi namin ng family niya sakanya, hahaha.
The next day, we spent half of the day together lang sakanila bago ako umuwi. Umakyat kami sa kubo nila, nag bond, nagkulitan, tapos don nabuo yung kasunduan namin na after 2 years, we'll elope. Para patunayan sa isa't isa kung gaano kami kasigurado na kami talaga hanggang huli.
26, we celebrated Christmas together, pati narin 6th monthsary namin, kasama din kuya niya at asawa nito. Bale double date, pareho pa naka couple shirts haha we ate at namasyal sa mall, then afterwards, humiwalay na kami sa kuya niya. manonood sana ng cine kaso sold out, kaya dinala niya nalang ako don sa lugar na gusto kong puntahan kasi dinadayo ng mga tao. As usual, pinotoshoot na naman ako ng koya mo don hahahhaa
2017- All in all, our 2017 was full of ups and downs. Hindi ganon ka smooth, madalas man kami mag-away tapos break up yung lagi kong inilalaban sakanya kada nag aaway kami, siya yung nagturo sakin na hindi laging break up ang solusyon kada mag aaway kasi dapat mag -aaway lang pero hindi maghihiwalay.
He also had the chance to meet my father, hindi man personally, pero alteast he got the chance. Siya yung unang taong ipinaglaban ko sa tatay ko, and happy ako na pumabor naman siya.
Yung takbo ng relationship namin is literal na ups and downs, madaming gusto sumira, humadlang, at makisawsaw pero atleast we made it hanggang 2018 na matatag kami, kasi mas pinatatag kami ng mga pinagdaanan namin. Madami akong bagay na natutunan sakanya, at madami siyang bagay na natutunan sakin. Binago niya ako, at binago ko rin siya. 2017 was a hell of a ride, and i'm glad he became my ride or die. Madaming lesson at pagsubok ang binigay samin ng taon na iyon, at lahat yon worth it.
Mas hell of a ride ang 2018 journey namin, pero syempre sa next entry na yon. : )
(JUNE 26. 2019- 2ND Annivesary. To the man whom i loved the most sa buong buhay ko, today, we are celebrating yung ikadalawang taon pamula ng minahal kita, at minahal mo ako. Things might not be alright between us right now, pero if heaven's kind and still kind after years, maybe makukuha na natin kung ano yung gusto natin. Nagpapasalamat ako sayo sa lahat ng nagawa mo para saakin sa loob ng dalawang taon, at sa patuloy na paglaban kahit sobrang hirap ng sitwasyon nung mga nakaraang panahon natin. Salamat sa lahat lahat, the best ka parin para sakin hanggang ngayon. Hinding hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo, aking irog. 2 years, dalawang taon na kitang mahal.)















