Akala mo may 'something'
Akala ko kasi talaga may ‘something’, pero normal mo na pala yun. Ganon ang trato mo sa lahat. Akala ko espesyal ako, tayo. May spark, may connection, pero linya ka pala ng meralco beh, ang dami naka-connect sayo. May jumper pa, leche. Hindi ba ako worthy mahalin? Para mapansin mong espesyal ka sakin. So, ano tayo? Ex-fling? Ex-something? Pseudo-prospect? Nando'n sa pagitan ng muntikan at akala ko lang?









